Chapter 54

101 0 0
                                        

GRAPE'S POINT OF VIEW;

Magdadalawang araw nang walang malay si Aphle. Ayon sa personal doctor na hinire ni Cedric ay kasalukuyang comatose ang kapatid ko. Dahil sa mga tinamo nitong mga sugat.

Hindi ako mapagpasalamat na tao. Pero noong may tumawag sa akin na hindi pamilyar ay bigla na lang lumabas sa aking bibig ang salitang "salamat". Salamat dahil may nakapagturo na rin sa wakas kung nasaan si Aphle.

Ilang linggo siyang nawalay sa amin. At alam kong may kinalaman dito ang pamilya ni Yhael.

Isang beses din nila akong kinidnap at pinatuloy sa isang maliit na bahay. Buti na lamang at kaagad akong nahanap ni Cedric.

Malaki ang utang na loob namin kay Cedric. Una, dahil siya ang naging doctor ko noong nasa ibang bansa pa kami. Pangalawa, noong nabawi nila ako sa tulong at impluwensya ng pamilya ni Cedric. At ngayon, dahil nasa pangangalaga niya kami ni Aphle.

Siya ang nag-provide ng lahat para sa ikababalik ng buhay ng kapatid ko.

Noong nakuha namin si Aphle mula sa isang lalaki ay wala na siyang buhay at putla na ang buong katawan. Mabuti na lamang at nadala kaagad namin sa hospital at naagapan pa. Ngunit comatose naman ang kinahinatnan niya.

Nagpapasalamat pa rin naman ako dahil malaki ang tiyansa na magising ang kapatid ko pagkaraan ng dalawa o tatlong buwan.

Sa ngayon ay naka-ICU siya rito sa loob ng mansiyon na pagmamay-ari ni Cedric. Business at hospital ang meron ang pamilya ni Cedric kaya hindi malabong marami nga silang koneksyon.

Sa mga bawat araw na dumadaan ay walang araw na hindi ko kinakausap ang tulog na si Aphle.

Ang sabi kasi ng doctor niya ay epektibo raw ang pagkausap sa mga comatose dahil aktibo ang kanilang mga utak at nakakarinig pa rin sila.

Maganda rin ito upang kapag nagising na si Aphle ay matandaan niya ang boses ko. Malaki kasi ang posibilidad na mawalan siya ng ala-ala sa ilang mga linggo nang kaniyang pagkagising.

Inihanda na kami ng doctor sa mga pagbabagong magaganap sa kapatid ko.

Wala na akong pakialam kung anong pinagbago ni Aphle. Ang gusto ko lang mangyari ay magising na siya at mawalan na ng bigat ang dibdib ko.

Pilit ko nang tinatanggap na wala na talaga si Zade sa akin at hindi na siya babalik pa. Pero parang hindi ko na yata kakayanin kung pati si Aphle ay mawala sa akin.

Sa aming magkakapatid siya ang kakaiba. Siya ang mahina at pala-iyak. Siya ang gustong-gusto naming protektahan ni Kuya.

Hindi vocal si Kuya tungkol sa pagmamahal niya para sa amin ni Aphle. May mga tao talagang hindi showy.

"How's Aphle?" Kaagad na tanong ni Kuya nang makabisita siya isang araw.

Bumaling ako sa kaniyang likuran para tingnan kung kasama niya si Claudine.

Simula noong makidnap si Aphle ay siya ang palagi kong tinitingnan upang magkaroon ako ng lakas ng loob para isiping makikita ko pa ng ligtas ang kapatid ko.

"Hindi mo kasama si Claudine?" Kasama niya kasi iyon noong nakaraang bisita niya.

He shakes his head before heading straight to the room where Aphle is. He sits on the chair beside Aphle’s bed. He stares intently at our sister.

"I haven’t heard any news about that guy’s family," Kuya says firmly. He’s referring to Yhael.

Umupo ako sa katabing upuan at napabuntong hininga. "Huling balita ko ay nasa hospital si Yhael."

Forbidden Relationship (Forbidden Series #3) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon