Hindi ko alam na pwede pala ang anghel sa school.
Kung ganoong mukha ang bubungad sa akin araw-araw, hindi na ako tatamarin pumasok. At baka matalo ko pa ang President namin sa klase.
Nasa tapat kami ng gate at hinihintay si Sovie at Zhack na tanghali na lang palagi kung pumasok. Habang naghihintay sa kanilang pagdating ay nakatitig ako sa isang hindi pamilyar na babae.
Nakatayo siya hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Inosente siyang tumitingin sa bawat tao sa kaniyang paligid. Bakit kaya hindi siya sa akin tumingin. Para makita niya ang kapogian ko.
"Sino na naman 'yang tinitingnan mo, Yhael?" Maangas na tanong ni Daniel sa akin.
Tumingin naman ako sa aking tabi at nakita ang mga kaibigan ko simula Junior High. Naging magkakaibigan kami dahil wala lang. Nagising na lang ako isang araw na magkakaibigan na kami at hindi maipaghihiwalay.
Simula nung maging magkakaklase kami ng grade 9 ay hindi na kami nagkahiwalay, hanggang ngayong senior high.
Si Daniel, ang pinaka-siraulo sa amin. Ewan ko ba sa kaniya, halata namang may gusto siya kay Sovie pero hindi siya umaamin. Kapag siya talaga naunahan at umiyak sa amin, sisipain ko pa siya sa mukha.
Si Janser, isa ring siraulo pero mas siraulo talaga si Daniel, walang tatalo sa tukmol na ‘yon.
Si Zhack, ang pinakaseryoso naman sa amin. Madalang lang ngumiti. Huling kita kong ngiti sa kaniya ay noong may iniistalk siyang magandang babae sa Facebook. Hindi nga lang ako pamilyar syaka hindi ako interesadong malaman kung sino. Hindi rin naman siya ‘yung tipo na magkekwento kapag nahuli na.
Kinakatakutan siya ng ilang Junior namin, para kasing laging mananapak kung makatitig. Tuloy at walang lumalapit na babae sa kaniya. Pogi naman siya pero mas lamang talaga ‘yung kaya niyang manakit ng mga babae.
At si Juniel, ang pinakatahimik sa amin at pinaka good student. Puro lang siyang aral at wala ring interes sa mga babae. Minsan nga napagkakamalan na siyang lalaki rin ang gusto dahil softy ang features niya.
Mga tao talaga ngayon, mga tanga.
"Huy!" Pambasag ni Daniel sa akin. "Sino kakong tinitingnan mo?" Tanong niya ulit bago binalingan ang direksyong kanina ko pa tinititigan.
Binatukan niya ako nang may mapagtanto. "Nagbago na ba mga tipo mo ngayon?" Tanong ni Daniel bigla. Natawa siya nang bahagya bago ako inakbayan at nakatingin pa rin sa direksyon nung anghel.
"Bro, alam kong matinik ka sa mga babae… pero halatang walang sinasamba 'yon!" Pangaral niya.
Ngumisi ako. "Edi siya na lang sasambahin ko."
Tinanggal niya ang pagkakaakbay sa akin. "Ang lala mo talaga!" Singhal niya. "Anong anghel? Mukha ngang demonyo 'yan!"
Tumingin ako sa kaniya bago siya sinamaan ng tingin. "Hindi ka marunong tumingin ng anghel at demonyo. Palibhasa puro si Sovie lang nakikita mong maganda. Magsawa ka naman." Saad ko.
"Nagsasabi ako ng totoo. Mukha talagang demonyo." Pakikipagtalo niya.
"Hindi nga!" Pagtatanggol ko sa babae. "Maganda! Bulag ka lang!"
"Hindi nga. Kita mo 'yung kilay? Taas na taas! Parang ang taas ng tingin sa sarili niya porket maganda."
"Tama, maganda. Pero hindi pang demonyo! Anghel nga, Daniel!"
"Demonyo nga, Yhael!"
"Anghel!"
"Hoy! Ang ingay niyo!" Saway ni Sovie. Hindi namin namalayang nakarating na pala ang magkapatid na palaging late. "Anong anghel? Sinong anghel at demonyo?"
BINABASA MO ANG
Forbidden Relationship (Forbidden Series #3) (Completed)
RomanceBeing the youngest daughter isn't really easy. That's how Aphle always feels but never expresses to anyone. Aphle Xierinah Poniente, the youngest daughter of the governor in their town. She is intelligent, obedient, innocent, reserved, generous, and...
