After two months, I fully recover physically—but mentally, not yet.
The fear from that night is still with me. Sometimes, I still dream about what I went through inside that abandoned house.
There are many things I've come to fear. I don't like dirt. I don't like the forest. I've also become afraid of scissors, and even knives.
Sometimes, whenever Yhael touches my face, I get startled. That's why they've become more careful with me, knowing I've grown more sensitive.
I can't blame myself, because I did nothing wrong in what I went through. It's just that Yhael's aunt is cruel—that's why she did that to me.
I hope that now she's in prison, she realizes that she should never pour her anger onto others, especially when they've done nothing wrong.
It's not Yhael who sent Ma'am Sabby to jail—it's one of his cousins.
Eros confessed, and now, they're all together in prison.
Gusto ko siyang bisitahin dahil magpapasalamat ako sa kaniyang ginawa. Noong kinwento ni Ate Grapes sa akin kung paano nila ako nakuha ay may hinala na akong kagagawan iyon ni Eros.
Sa kanilang lahat na kumidnap sa akin ay siya lang ang hindi ako sinaktan. Hindi naman ako nasaktan noong kinadena niya ako.
"Kailan kayo aalis ni Yhael?" Tanong ni Ate Grapes habang tinutulungan niya akong mag-impake ng gamit.
Nasabi kasi namin ni Yhael kay Ate Grapes ang aming pag-alis nang saglit. Gusto lang namin magkaroon ng payapang bakasyon, bago ako muling bumalik sa pagiging Nurse.
Si Yhael naman ay may shares sa company ng pinsan niya. Mayroon din siyang restaurant na kakabukas lang. Share naman sila roon ni Lei. Mayroon din siyang ka-share na may-ari ng malalaking restaurant sa iba't-ibang panig ng Asia.
"Baka sa susunod na linggo pa, Ate." Sagot ko naman.
"Pero ang aga mong mag-impake." Sita niya. Tumaas ang kaniyang dalawang kilay.
"Sa kaniya na ako titira, Ate." Balita ko.
Natigil siya sa pagtulong sa akin. Nagpatuloy lang ako sa pag-iimpake. "Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin?" Pagalit niyang tanong.
Tinigil ko ang ginagawa at lumapit kay Ate para hawakan ang kaniyang mga kamay. "Surprise," natatawa kong sinabi.
Umirap siya sa akin. "Bakit niyo naisipang magsama na? Ikakasal na ba kayo? May singsing na ba?" Sunod-sunod niyang tanong.
Tumingin ako sa mga kamay ko. Wala pa iyong singsing. Hindi rin naman ako nag-eexpect na magpopropose si Yhael.
"Wala pa kaming balak na ganiyan, Ate. Wala pa rin kaming plano—"
"Ano 'yan, magbabahay-bahayan kayo?" Putol niya sa akin. Galit na talaga ngayon.
"Naisip ko lang na kailangan ko nang bumukod sa'yo, Ate." Mahinahon kong sinabi.
Kumalma naman ang kaniyang mukha. "Matanda na ako. Ayoko namang laging dedepende sa'yo."
"Pero kung wala ka pang sariling pera at bahay, dito ka muna sa akin." Saad niya. "Hindi naman kita pinapalayas, ah."
Tumango ako. "Alam ko naman, Ate." Sabi ko. "Pero naisip mo ba? Lagi na lang ako ang iniisip mo. Hindi mo maisip ang pagkakaroon ng sariling pamilya dahil inaalagaan mo ako na parang bata."
Natahimik siya kaya naman nagpatuloy ako. "Ate... si Kuya Mark may asawa na—si Claudine. Ako, may boyfriend na. Ayaw mo bang lumagay na rin sa tahimik?"
BINABASA MO ANG
Forbidden Relationship (Forbidden Series #3) (Completed)
RomansaBeing the youngest daughter isn't really easy. That's how Aphle always feels but never expresses to anyone. Aphle Xierinah Poniente, the youngest daughter of the governor in their town. She is intelligent, obedient, innocent, reserved, generous, and...
