Chapter 58

97 0 0
                                        

"Hindi ako pwede mag-stay. May trabaho pa ako bukas." Sinabi ni Daniel nang sabihin ni Sovie na gusto niyang mag-stay sila rito at bukas na lang ng tanghali umuwi.

"Edi ako na lang. Umuwi na kayong lima." Sinabi ni Sovie bago inirapan si Daniel.

Nandito kami sa sala at kakatapos lang namin kumain ng hapunan. Nasa taas si Ate at Kuya, hindi ko alam kung anong ginagawa nila roon.

Nasa tabi ko si Yhael na hindi binibitawan ang kamay ko. Kapag nakakakita siya ng tyansa para hawakan ang kamay ko ay gagawin niya.

Hinahayaan ko siya sa kaniyang ginagawa dahil komportable naman ako sa paghawak niya. Naiilang lang naman ako kapag nagkakasalubong ang titig namin. Hindi ko kayang tagalan ang titig niya sa akin.

"I'll stay here." Sinabi ni Yhael habang nilalaro niya ang mga daliri ko. Nilalaro o ineexercise?

"May trabaho ka pa bukas, 'di ba?" Tanong ni Sovie.

Nagkatitigan kami ni Sovie. Nagkibit siya ng balikat sa akin.

Bumaling ako kay Yhael. "U-Umuwi... ka." Mahinahon kong sinabi.

Doon na siya nagtaas ng tingin sa akin. "I'll stay here until you're okay." Naiiling niyang sinabi.

"Ayos, l-lang naman a-ako..." Dahilan ko.

Tumaas ang dalawang kilay niya. "I'll stay."

"Edi kayo na nagmamahalan. Ako na palagi unrequited love." Padabog na sinabi ni Janser at pumasok sa kusina.

Hinayaan ko na lang si Yhael sa gusto niya. Ang Kuya ni Sovie at 'yung isang tahimik ang nagpasyang uuwi na dahil may mga trabaho pa silang aasikasuhin.

Si Daniel naman na dapat sasabay na sa dalawa ay hindi natiis si Sovie. Ayaw din niyang umuwi na hindi kasabay ang babae.

Hindi ko alam kung anong namamagitan sa kanila. Ang hirap nilang basahin. Hindi ko alam kung may relasyon ba sila, palagi kasi silang magkaaway at hindi nagkakasundo.

Hinatid nila ang dalawang lalaki sa labas. Hindi na ako pinasama ni Yhael dahil malamig sa labas. Mula sa aking kinauupuan ay rinig ko ang ilan nilang pinag-uusapan. Panay ang habilin ni Kuya Zhack kay Sovie na maagang umuwi bukas dahil may trabaho pa siya.

Napaisip tuloy bigla ako. Katulad din kaya nila ako na may trabaho? Kung meron man. Ano kayang trabaho ang meron ako? Sana 'yung trabaho ko ay maraming natutulungan.

Pumasok ang tatlong magkakaibigan. Hinanap ng mga mata ko si Yhael dahil hindi pa siya pumapasok.

"Nasa labas. May katawagan." Sagot ni Sovie sa aking katanungan sa isip. Tumango naman kaagad ako. Tumabi siya sa akin at hinawakan ako sa ulunan. "Tabi tayong matulog? Ilan ba ang kwarto niyo rito?"

Muli akong bumaling sa pintuan bago sinagot si Sovie. "D-Dalawa lang." Sagot ko. "I-Isa sa taas—k-kwarto ko 'yon. T-Tapos... isa sa b-baba."

Tumango si Sovie. Napabaling na rin siya sa pintuan nang mapansing panay ang lingon ko roon. "Wait lang, ah." Paalam niya bago tumayo at lumabas ng bahay.

Bumaling ako sa dalawang lalaki na may kinakalikot sa mga frame. Mga pictures namin iyon ni Ate habang inaalagaan niya ako. Kay Kuya niya pinapa-frame ang mga iyon para makikita nila ang progress ko.

Saktong bumaba si Ate Grapes at Kuya Mark. "Handa na ang kama mo, matutulog kana." Pagkausap sa akin ni Ate.

"T-Tabi raw po... kami ni Sovie." Sinabi ko kay Ate. Tumango naman kaagad siya.

"Kasya naman tayong tatlo sa kama mo." Sinabi ni Ate. "Si Yhael ay katabi ni Kuya sa kwarto." Tinuro niya ang kwartong katabi ng kusina. "Silang dalawa naman, dito na lang sila sa sala. Malawak naman at kasya sila rito."

Forbidden Relationship (Forbidden Series #3) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon