APHLE'S POV
After 2 months.
Sa wakas ay naibuka ko na nang maliit ang aking mga mata. Unang bumungad sa akin ang maliwanag na ilaw sa puting kisame.
Hindi ko alam kung nasaan ako, o kung sino ako.
Ang tanging maririnig lang sa aking paligid ay ang tunog na nanggagaling sa monitor na nakatabi sa kamang aking kinahihigaan.
May kung anong nakalagay sa ilong hanggang sa bibig. Ito ata ay tumutulong upang makahinga ako. O mabigyan ng oxygen. Hindi ko alam.
Inunat ko ang aking mga kamay kahit hindi ko makita kung gumagalaw ba iyon.
Wala akong maalala sa lahat nang nangyari sa akin. Nagising na lang ako na hinang-hina. Walang alam sa kung nasaan ako. At kung sino ako.
Dahan-dahang bumukas ang pintuan. Nakarinig ako nang yabag papalapit sa akin. Gusto kong lingunin ang taong pumasok ngunit hindi ko pa kaya dahil nanghihina pa ang buo kong katawan.
Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita na mulat na nang maliit ang aking mga mata.
Nagpanic ang babae na may malditang mukha. Hindi niya alam kung ano ang una niyang gagawin. Mayroon siyang dalang food tray. Inuna niya ilapag iyon sa side table bago lumapit sa akin at hinawakan ang kanan kong kamay.
"Gising kana." Nangilid ang luha nito. Bago pa iyon bumagsak ay pinigilan na niya. "Teka lang. Tatawagin ko lang ang doctor. At tatawagan ko na rin si Kuya." Madali siyang umalis sa aking tabi.
Gusto kong magtanong kung sino siya dahil parang pamilyar ang kaniyang mukha. Posibleng pinsan o kapatid ko siya.
Ilang sandali ay muling bumukas ang pintuan. Mayroon ng dalawang lalaking kasama ang babaeng pumasok kanina. Ang isa ay nakapambahay na suot, habang nakapang-doctor naman ang isa.
Hinawakan niya ang taas at baba ng aking mga mata bago tinapatan ng flashlight ang mata ko kaya napapikit ako. Magkabilaang mata ang chineck niya bago bumaling sa dalawang taong nanonood sa amin.
"Good news. Her condition is gradually improving. But as I said before, she won’t remember anything. Still, there’s nothing wrong with asking her once in a while about what she might recall. Just don’t force the questions. It’s better if she remembers who she is slowly, so there’s no risk of damage to her brain."
Tumango ang dalawang kausap nito. "For now, let’s focus first on slowly waiting for her body to regain its strength before you begin helping her recover her memories."
"At the moment, she’s weak because of the months she spent asleep. Sometimes, take her outside in the morning and afternoon, when the sunlight isn’t too harsh on the skin. That will help her regain her physical strength."
"While doing that, you can start sharing stories about the memories she has forgotten."
Tango lang ang tanging tugon ng dalawang kausap ng doktor. Nagpaalam itong lalabas na muna at ipinaubaya ako sa dalawang nandoon.
May pinindot siya sa ilalim ng kama. Nagulat ako nang biglang dahan-dahang tumataas ang unan sa aking ulo. Hinawakan ako ng babae sa kamay at naging kampante ako sa kaniyang hawak.
Habang dahan-dahan akong napapaupo ay nakatitig lang ako sa kaniyang mga mata. Pakiramdam ko ay safe ako basta nandito siya sa tabi ko, at hawak ang aking kamay.
Dahan-dahan akong bumaling sa lalaking nasa kaliwa kong banda. Ngumiti siya sa akin nang maliit. Isa ring pamilyar ang kaniyang mukha.
Sino-sino kaya sila. Sana, magpakilala na sila.
BINABASA MO ANG
Forbidden Relationship (Forbidden Series #3) (Completed)
RomanceBeing the youngest daughter isn't really easy. That's how Aphle always feels but never expresses to anyone. Aphle Xierinah Poniente, the youngest daughter of the governor in their town. She is intelligent, obedient, innocent, reserved, generous, and...
