Chapter 57

88 1 0
                                        

"'Wag ka nga kasing malikot!" Saway ng babae sa lalaking nakabasag ng pinggan.

"Aphle, ayos ka lang?" Tanong ni Ate Grapes sa akin nang maka-recover ako mula sa flashback.

Tumango ako nang dahan-dahan, medyo masakit pa rin ang ulo at tenga ko dahil sa sunod-sunod na malalakas na pagbaril.

"Anong nag flashback?" Tanong ni Ate.

Pinikit ko ang aking mga mata at sinubukang tandaan ang nag flashback sa akin. "M-May putok ng baril na n-nanggagaling sa hindi m-malayo. M-May lalaking nakahawak sa akin, p-pero tulog siya... o p-patay na."

"'Yung nangyari sa gubat." Sinabi ni Ate.

Nagmulat ako ng mga matang nagtatanong. "A-Anong mayroon sa g-gubat, Ate?"

"Hindi muna sasabihin sa'yo ni Ate, okay? Masyadong harsh ang ala-alang iyon." Sinabi niya.

"S-Sino 'yung lalaking 'y-'yon, Ate?" Kinakabahan kong tanong.

"Si Yhael." Sagot niya.

"Ah..." Reaksyon ng isang lalaki. "Nalaglag si Yhael sa bangin kaya nagkaroon siya ng amnesia kaya—"

Muli na naman akong napahawak sa aking ulunan nang sumakit na naman iyon.

Ngayon ay may mga lalaki na. May tumakip sa aking ilong at bibig.

"Hoy, Janser, manahimik ka na nga!" Sermon ni Sovie.

"'Wag niyo munang babanggitin ang mga nakaraang kabilang si Yhael." Bilin ni Ate sa mga bisita.

Tumango naman sila bago natahimik at muling naupo sa kani-kanilang upuan.

Tahimik kaming kumain pero ramdam ko ang maya't maya nilang paglingon sa akin. Sinusubuan ako ni Ate Grapes kahit nag-representa akong magsasanay na muling humawak ng kutsara.

Pagkatapos naming kumain ay iniwan muna ako ni Ate Grapes sa mga bisita. Dinala nila ako sa labas at ngayon nakasilong kami sa malaking puno ng mangga.

Nakaupo ako sa aking wheelchair habang nakaupo sa aking tabi si Sovie. Ang dalawang lalaking maloko ay umakyat pa ng puno at maghahanap daw sila ng bunga para panghimagas namin.

Ang dalawang lalaking tahimik ay nakatayo lang na magkatabi habang nililibot ang tingin sa paligid.

Tahimik kaming apat dito sa lilim, habang ang ingay naman nung dalawa sa itaas ng puno. Nag-aasaran at nagpapadamihan pa sila ng makukuhang mangga.

Napailing ako nang makitang puti ang suot ng isang lalaki, tapos doon niya nilalagay ang manggang kaniyang nakukuha. Marurumihan ang damit niya!

Pagkaraan ng ilang sandali ay bumaba na rin naman sila bitbit ang kanilang mga nakuhang mangga. Binilang nila iyon bago nagbatukan nang parehong dami lang ang nakuha nila.

Hindi ko maintindihan kung bakit sila nagsasakitan.

"Aphle, may bagoong kayo?" Tanong ng isang lalaking nakaputi. "By the way, Daniel nga pala." Pagpapakilala niya.

"Ako si Janser. Ang pinakapogi sa circle natin. Pero dahil boyfriend mo si—"

"Janser." Naputol ang sasabihin ng lalaki nang nagbabanta siyang tinawag ng mga kaibigan.

"S-Si Yha...el ba?" Tanong ko.

Nagkatinginan silang magkakaibigan bago tumango si Sovie sa akin. Hinawakan ni Sovie ang kanan kong kamay. "Bilin ng Ate mo na 'wag muna natin siyang isasama sa usapan."

"G-Gusto ko s-siyang makita."

"Edi i-video call natin." Muling sinabi ni Janser.

"V-Video call?" Nagtataka kong tanong.

Forbidden Relationship (Forbidden Series #3) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon