Chapter 29

167 3 16
                                        

"Mahal kita, Aphle." Natigilan ako sa kaniyang naging sagot. Parang nakalimutan ko kung bakit ako umiiyak.

I slowly left from hugging him. "W-What did you say?" I stammered a question. Why is he suddenly saying that?!

Nagkibit siya ng balikat bago ngumiti sa akin syaka sumagot. "Mahal kita." Tumatango-tango niyang sinabi. "Mahal na mahal. Hindi mo gets?"

"T-Teka lang," nauutal kong sinambit. "Bilang kaibigan, hindi ba?"

Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin at mahigpit na niyakap. "Ayokong masira 'yung pagkakaibigan natin. Pero mas pipiliin kong ipagtapat 'tong nararamdaman ko kaysa na-coconfuse ka kung bakit iba ang trato ko sa 'yo kaysa sa ibang babae," mahina niyang sagot.

Hindi na ako makapagsalita dahil sa sobrang lakas nang tibok ng aking puso. Hindi ko alam kung nagbibiro si Yhael. Mapagbiro naman siya pero kapag kasama lang ang mga kaibigan niya. Sila-sila lang naman ang nagkakaintindihan sa humor nila.

"Mahal kita, Aphle," pagpapatuloy niya. "Hindi man noong unang araw na nagkita tayo, pero ngayon, mahal na kita."

"Unti-unti kong naramdaman na mahal na kita. Akala ko madaling itago kasi ganoon ang ginawa ko kay—'wag na natin siyang banggitin."

"Pero kapag sa 'yo, hirap na hirap akong itago. Parang kailangan kong sabihin sa 'yo kaagad, kasi hindi mo deserve na magtanong sa sarili mo kung ano bang tunay kong nararamdaman para sa 'yo."

"Hindi mo deserve na manatiling gising sa gabi kakaisip nang kung ano-ano. Dapat sa 'yo palaging walang iniisip. Dapat sa 'yo tinuturing na prinsesa."

My grip on his uniform tightens as my eyes well up again.

I am a princess. Not just free.

"Berde." He freezes the moment I call him by that name again.

"I don't want to ruin our friendship," I whisper. "But what can I do? I really like you." Without waiting for a response, I bury my face into his chest.

He smoothed my hair before chuckled. "Dadahan-dahanin natin. Hindi naman natin kailangang magmadali sa kadahilanang pareho tayo nang nararamdaman sa isa't-isa," sinabi niya.

"Paano kapag dumating 'yung dulo para sa ating dalawa?" tanong ko habang nanatili pa rin sa kaniyang dibdib.

Muli siyang nagkibit ng balikat. "Hindi ko alam. Ang sure lang ako, mahal kita. Wala na akong pakialam kung saan papunta 'tong nararamdaman ko sa 'yo. Sa 'yo na ako. Siguradong-sigurado."

"Ipapakilala kita sa mga nag-aalaga sa 'kin." Mabilis akong umalis sa pagkakayakap sa kaniya, gulat sa kaniyang sinabi.

"Syempre, kailangan nilang malaman kung sino ba 'yung babaeng nagugustuhan ko."

"B-Bakit? Hindi naman nila required malaman kung sino-sino ba ang nagugustuhan mo," mahina kong sinabi. "Si Kuya Mark nga hindi pinakilala sa amin 'yung first love niya."

Bahagya siyang tumango bago inilapit sa akin ang kaniyang mukha. "Syempre, liligawan kita kaya dapat lang na makilala ka nila."

"S-Syaka na... kapag liligawan mo na ako," nauutal kong sinabi.

"Ngayon sana kita balak ligawan. Pero syempre, ang kagustuhan mo ang masusunod sa ngayon," nakangiti niyang sinabi.

"You can court me but... I'm not ready to face your parents." I whispered that I'm sure he hear.

Nagkibit siya ng balikat. "Kung hindi ka pa ready harapin ang nagpalaki sa akin, ayos lang. Hindi kita liligawan habang hindi ka nila nakikilala. At habang hindi ako nakakapagpaalam sa mga magulang mo."

Forbidden Relationship (Forbidden Series #3) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon