Patuloy ang proseso ng aking paggaling. Masyadong mabagal nga lang ang pagkatuto kong maglakad muli. Ang sabi ng doctor ko ay dahil iyon sa physical trauma na dinanas ko.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin bago ako magising na wala ng ala-ala. Nagtanong na rin ako kina Ate pero hindi detelyado ang kanilang sinabi.
Ang alam lang nila ay pinahirapan akong lubos. Tapos may lalaking nagmagandang loob para ibalik ako kina Ate. Kahit maliit na lang ang tiyansa na mabuhay ako.
Isang gabi ay naabutan kong nag-uusap si Ate Grapes at Kuya Mark sa labas ng kwarto ko. Mukhang papasok na dapat si Kuya pero nakalabas na si Ate, kakatapos niya lang akong bihisan at pahigain sa kama.
"How's she?" Agarang tanong ni Kuya.
Naririnig ko ang usapan nila dahil nakabukas ang pintuan at medyo malapit doon ang aking kama.
"Ayos lang naman. Masyadong mabagal lang ang proseso niya kumpara sa nasabi ng doctor." Sagot ni Ate.
"Steps and plot have already been given, right? Are they being followed?" Tanong ulit ni Kuya.
"Nasa pang-limang linggo na siya sa susunod pero wala pa rin siyang ma-recall kahit isa." Sagot ni Ate. "Ang sabi sa plot, sa fourth week ay makakakilala na siya ng mga pamilyar na mukha. Doon na raw magiging mas aktibo ang utak ni Aphle."
Tumango si Kuya. "Slow process is still a process. It's okay at least it's not harming her."
"Kuya, may naisip ako." Kaagad akong pumikit nang bumaling sa akinh direksyon si Ate.
"What is it?"
"Baka kaya hindi natin mapabalik 'yung old memories ni Aphle dahil hindi tayo close tatlo noon?"
"What do you mean?"
"Ang mga kaibigan niya. Si Yhael. Sila ang nagbigay ng saya sa teenage life ni Aphle."
"Baka sila ang kailangan natin?"
"I thought we already agreed not for now?"
"Mas maigi siguro, Kuya, kung mag-gigive way na tayo. Para naman kay Aphle 'yon."
"So? What's your plan, then?"
"Ipakita na natin sila kay Aphle. Walang masama kung magbakasakali tayo. Baka malay mo, sa pag-aalaga nila madaling makaka-recover si Aphle."
"Baka nasa environment din ang dahilan kung bakit ang bagal ng usad niya. Baka masyadong tahimik para sa kaniya. Oo, peaceful nga, pero baka iba 'yung hinahanap niya. Baka boses ng mga kaibigan niya."
Tumulo sa magkabilaang gilid ng mga mata ko ang mainit na luha. May mga kaibigan pala talaga ako.
"How about Yhael?"
"Ikaw ang mag-desisyon tungkol sa kaniya."
"Yhael is friends with Aphle’s friends. It wouldn’t be surprising if they told him where our sister is. You might just be shocked to find Yhael outside."
"Hindi naman siguro. Mapapaki-usapan naman siguro natin ang mga kaibigan ni Aphle na 'wag munang sasabihin kay Yhael kung nasaan ang kapatid natin." Litanya ni Ate.
"Honestly, gusto ko na talagang itago si Aphle mula kay Yhael. Pero ayokong manghimasok sa buhay nila."
"Are you thinking that if Aphle is with Yhael, our sister will be in danger again?"
"Ayokong isipin pero... every time na naiisip kong magsasama ulit silang dalawa, hindi ko maiwaksi sa aking isipan na baka ang kapalit ng saya ni Aphle ay ang pagkakasakit niya ulit sa kamay ng pamilya ni Yhael."
BINABASA MO ANG
Forbidden Relationship (Forbidden Series #3) (Completed)
RomansaBeing the youngest daughter isn't really easy. That's how Aphle always feels but never expresses to anyone. Aphle Xierinah Poniente, the youngest daughter of the governor in their town. She is intelligent, obedient, innocent, reserved, generous, and...
