PROLOGUE (Short)

45 6 0
                                    

Third person POV

Sa isang payapang gabi, tahimik na nagkakasayahan ang isang grupo, ang iba ay nag-iinuman at ang iba ay nagkukwentuhan ng kung ano-anong bagay ng biglang bumukas ang pinto kaya naman silang lahat ay napatigil at tinignan kung sino ang nagbukas ng pinto, lahat sila ay napatulala at nagulat dahil hindi sila makapaniwala sa nakikita nila.

"Nagbalik ka na" ang nasabi na lang babae habang nakatulala parin ito.

Ngumisi lang ang taong sinabihan nya at tinitigan silang lahat.

"Namiss niyo ba akong lahat" sabi nito sa kanila hanggang sa bumalik silang lahat sa wisyo at niyakap siya nito ng mahigpit.

"Oo naman, namiss ka namin, maraming taon ka ring nawala" masayang turan nito sa kanya at niyaya nila ito na magpahinga muna dahil alam nilang pagod ito sa kanyang mahabang paglalakbay kaya naman binigyan sya ng mga kasama nya ng tubig at ininom niya naman ito.

"Kala namin, hindi ka na makakabalik" sabi ng isang lalaki sa kanya pero napasinghap lang sya at medyo tinignan niya ang paligid kung saan ay napansin nitong maraming nagbago.

"Dami na palang nagbago dito mula ng umalis ako" sambit nito saka tumayo at naglakad lakad, hinawakan niya rin ang mga gamit.

"Gumanda na sya lalo" sambit nito habang nakatitig sa isang bolang kristal at saka ngumiti.

"Ako ang naglilinis nyan" biglang sabi naman ng isang babae.

Tinignan naman sya nito at napansing parang bago ito.

"Bago ka ba dito?" tanong niya sa babae.

"Opo, nung nakaraang taon lng ako sumali dito sa grupo" paliwanag niya naman sa kanya at tumango naman ito.

Nagpatuloy lang ito sa paglalakad habang ang iba ay bumalik na sa pag-iinuman kung saan ay lumabas muna ito at tinitignan ang buwan sa malayo.

"Bumalik narin ako sa wakas" sambit nito sa sarili habang inaalala ang nakaraan.

END...............

 

DEVILS EMBODIMENT (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon