Third persons POV
8 Years ago............................
Maraming nasa labas ngayon at lahat sila ay nag-uumpukan kung saan pinapalibutan nila ang isang tao na nagngangalang "Quinn Vermillion" dahil may sasabihin itong importante.
"Guys, may sasabihin ako sa inyo, makinig kayo" lumapit naman ng kaunti silang lahat para alamin kung anong sasabihin ni quinn sa kanila.
Napasinghap pa siya at pumikit ng konti saka sya bumuga ng hangin at nagsalita.
"Aalis ako dahil may kaylangan akong gawing misyon" saad nito at napansin nyang medyo nalungkot ang mga nakapalibot sa kanya dahil narin sa itinuring narin syang parang pamilya ng mga ito.
Sumipot naman ang kanilang master at nakita nitong malungkot ang mga mukha nila kaya nagsalita rin ito.
"Wag kayong mag-alala, babalik rin si quinn, may gagawin lang syang importante" paliwanag ng kanilang master kaya naman kahit papaano ay nabawasan ang lungkot ng mga kagrupo ni quinn.
Niyakap naman nilang lahat si quinn at isa-isa silang nagsasabi ng kung ano-ano sa kanya kaya naman natuwa sya sa mga sinabi sa kanya, maluha-luha rin si quinn habang isa-isa rin niyang niyayakap at nagpapaalam sa kanila.
"Wag kayong mag-alala, pangako babalik ako, mamimiss ko kayong lahat"
Kinuha na nito ang kanyang mga gamit at habang papalayo ay kumaway pa ito sa kanila at saka sumakay ng isang kalesa at mabilis na umalis.
Siya ay magtutungo sa isang lugar tinatawag na 'Fugura continent' dahil kaylangan nyang puksain ang mga pumapatay na mga nilalang doon na sumasalot sa lugar, siya lang ang naatasan na magtungo roon sa kadahilanang nasa ibang misyon din ang mga kagaya nya na tinatawag na "Rank A mage", sila ay mga wizard na may malalakas na taglay na magical abilities kaya naman kadalasan ay sila ang pinapadala sa mga mabibigat na misyon.
Ng makarating ito sa fugura continent ay tinignan nito ang mapa kung nasaan na sya at sya ay nasa isang city na walang kahit ni isang tao na ikinataka niya dahil sa pagkakaalam nya ay dapat merong mga tao dito.
"Asan kaya ang mga tao dito"
Nagdesisyon naman si quinn na maglakad-lakad para tignan ang lugar pero wala talaga siyang nakikita ni isang tao.
"Kung walang tao dito ay ibig sabihin....."
Napahinto ito sa pagsasalita nya ng gumalaw ang lupa at lumitaw ang mga di maipaliwanag na nilalang, sila ay parang mga usok na itim at sinimulan nitong paligiran si quinn kaya naman ay naghanda ito dahil pwede sya nitong atakihin.
"Kayo siguro ang nanggugulo sa lugar na to?"
Matalas nitong tinitigan ang mga nilalang na patuloy parin siyang pinaliligiran pero nagtaka si quinn ng huminto ito sa ginagawa nila.
"Teka, bat sila tumigil" bulong nito sa kanyang sarili.
Maya-maya lang ay may lumitaw na isang nilalang rin na nababalot ng kulay itim na enerhiya pero ang kaibahan niya ay may sungay ito at may mga pakpak.
Bigla naman nyang pinitik ang kanyang mga daliri at nawala ang mga nilalang na pumapalibot kay quinn na lalong ikinataka nito.
"Sino ka? Ikaw ba ang hari nila?" sunod sunod na tanong ni quinn pero ngumisi lang ang halimaw.
"Sa wakas ay nandito ka na rin"
Ng sambitin ito ng nilalang ay naguluhan si quinn sa sinasabi nito.
BINABASA MO ANG
DEVILS EMBODIMENT (Book 1)
FantasyA gay who was a chosen as a vessel for a power of a demon will he be able to utilize it or will he failed to. Discover a world were magic exist and its diversity where everyone has different magic and abilities come and lets meet those who have po...