Quinn POV
"Magkapatid kayo ni master?"
Nashock parin ako dahil sa mga nalaman kay darth tungkol sa kanilang dalawa ni master.
"Tama ang narinig mo, oo magkapatid kami"
"Pero sabi sa amin ni master ay isa syang palaboy, panong nangyari na kapatid mo sya?"
Tinakpan naman bigla ni master ang bibig ko na mukang pipigilan nya ako sa pagsasalita.
"Let me explain quinn, oo kapatid ko sya"
"Pero bat kayo nagsinungaling sa amin master?"
"Dahil gusto kung kalimutan ang nakaraan ko, tinakwil nila ako ng kusa dahil sa wala akong kwentang anak at mahina, palaging kay darth sila pumapabor kaya simula nun, nangako ako na gagawa ako ng sarili kung pangalan"
"Ibig sabihin ay lahat pala ng sinabi nyo sakin ay puro kasinungalingan lang?"
Tumango sya sakin at ako naman ay medyo nakaramdam na parang naninibago sa kanya.
"Sorry kung nagsinungaling ako sa inyong lahat, wala akong kwentang master"
"Ahh, ang sweet mo naman, my little bro, pero nakalimutan mo atang nasa labanan pa tayo"
Napatingin naman kaming dalawa ni master kay darth na ngayon ay nakangisi sa amin.
"Quinn, ikaw ng bahala dun kina heidi at natalie, akong haharap sa kapatid ko"
Matapos nyang sabihin yun ay dumiretso ako sa pinakasentro para puntahan silang dalawa na nagpupumiglas parin.
"Oh, san ka pupunta" rinig kung saad ni darth at mukang papunta sya sakin para pigilan ako.
"Ako ang harapin mo"
Nakita kung hinarang si darth ni master at kita naman sa mukha ni darth na naiinis ito pero kalaunan ay nawala rin.
"Hinahamon mo talaga ako ha"
"Oo, handa nakong labanan ka, handa kung ipagtanggol ang tinuturing ko ngayong pamilya laban sa kahit na sino"
Naantig ako sa sinabi ni master hanggang sa makarating ako sa pwesto nila heidi at natalie.
"Quinn, buti dumating ka"
"Oo pero una sa lahat, hindi ko basta-basta kayo mapapalaya, may bomb plant na nakadikit sa inyo, pwede kayong sumabog anytime"
"Wala na bang ibang paraan?" tanong ni natalie.
"Sa ngayon wala pa akong maisip pero susubukan ko kung matatanggal ko"
Sinummon ko naman ang isang kutsilyo at sinimulang pagtatanggalin ang mga nakadikit na halaman dito.
Tinitignan ko parin ngayon si master na abala sa pakikipaglaban nya sa kapatid nya at ayaw magpatalo.
Crimson POV
"Cavelier Magic:Flare Queen Chavelier"
"At ano naman yan?"
"Ito ang Flare Queen Chavelier, since gumagamit ka ng plant magic, sigurado akong perpekto ito pangkontra sa mga halaman mo"
"Subukan natin, Plant Magic:Beanstalks"
Bigla syang nagsummon ng mga higanteng mga baging na napakakapal at papunta ito sakin.
BINABASA MO ANG
DEVILS EMBODIMENT (Book 1)
FantasyA gay who was a chosen as a vessel for a power of a demon will he be able to utilize it or will he failed to. Discover a world were magic exist and its diversity where everyone has different magic and abilities come and lets meet those who have po...