CHAPTER 26:Stolen

2 0 0
                                    


Quinn POV

Isang araw na naman ang lumipas, medyo maayos na ang kalagayan ng mga kasama ko't nabawi narin nila ang lakas nila, nasa may sala kami as usual at balak na naming kunin ang mga elemental stones dahil habang patagal ng patagal ay lalong lumalala ang sitwasyon ngayon sa barione kingdom, nalanta na ng buo ang mga halaman at maraming hayop ang namatay na, halos wala na kaming makitang maganda.

"Haring kobar, kaylangan na naming umalis ngayon" saad ko.

"Sige, humayo kayo, sana ay magtagumpay kayo"

Bigla naman kaming napatigil ng lumakas ang ihip ng hangin at kasabay nun ay ang muling paglitaw ng master ng blue velvet, walang iba kundi si achyls.

"Achyls" bigkas namin ng pangalan nito sabay naglabas kami ng kanya kanyang enerhiya kung sakaling atakihin kami nito.

"Woah, easy lang, narito ako para makipag-ayos sa inyo"

Kumalma kaming lahat at nawala ang mga inilabas namin na mga enerhiya kanina.

Lumapit naman si haring kobar sa kanya at saka ito kinompronta habang tinututukan nya ito ng kanyang espada.

"Bakit ka nagbalik dito? anong kaylangan mo na naman?" galit nitong saad.

"Ahh, ibaba mo muna ang espada mo, narito ako para makipag-ayos sayo kaya heto, tanggapin mo ulit ang mga elemental stones"

Inilabas nga nito ang mga bato na syang ikinagulat at lalo naming ipinagtaka.

"At bakit mo binabalik ito sa kaharian namin?"

"Dahil napagtanto ko lang na gusto ko ng matahimik na buhay, ayaw nyo ba ng ganun"

Medyo napaisip ako sa sinabi nito na may pagtataka dahil ganun ganun nya lang isuli ang mga elemental stones samin kaya nararamdaman kung may binabalak sya.

"Ano naman kayang pakulo ito?" tanong ko sa sarili habang nakatitig sa kanya.

"Kung ganun ang gusto, sige at salamat na rin dahil ibinalik mo dito ang mga elemental stones, ngayon ay babalik na sa dati ang lahat"

"Walang anuman, sya nga pala mahal na hari, pwede ba akong makipagshake hands sa hindi para makasigurado akong buo nyo na akong pinapatawad"

"Walang problema"

At nakipagkamay naman si haring kobar sa lalaking to na sobrang laki ng ngiti.

Isa-isa itong lumapit samin at kinamayan rin kami nito pero napansin kung nung nakipagkamay sya kay reim ay umilaw bigla ang kwentas nito kaya lalo pa akong nagduda sa kanya.

"Hindi kaya may tinatago sya?" tanong ko muli sa sarili hanggang sa nasa harap ko na sya kaya no choice ako kundi magbait baitan sa kanya.

"Salamat sa inyong lahat, paano ba yan, makakaalis nako, kita na lang tayo sa susunod"

Nawala na ito sa harapan namin pero amoy na amoy ko talaga na may ginawa sya, hindi ko lang masabi kung ano yun pero malakas ang kutob ko na planado nya to lahat.

Dahil sa nasauli nya na daw kuno yung mga elemental stones ay hindi na namin tinuloy ang balak sana naming pumunta sa lungga nila.

Sumama kami kung saan ang kaban ng mga elemental stones at inilagay ito doon.

"Reim, ang stone of blaze" saad ni haring kobar rito kaya naman ibinigay na nito ang bato na sa wakas ay kompleto na ulit.

"Pero haring kobar, nagtataka lang ako, ambilis naman nilang isuko ang mga bato, hindi kaya may pinaplano sila" singit ko.

DEVILS EMBODIMENT (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon