Quinn POV
Matalim naming tinignan ni master si darth na nakatitig rin saming dalawa.
"At anong tinitingin-tingin nyo dyan"
Inangat nito ang kanyang paa para apakan sana kami pero umilag kami rito.
"Mabilis kayong dalawa, pero kaya nyo bang ilagan to"
Itinapat nya ang palad nya samin kung saan ay may namumuo doong isang itim na enerhiya.
"Dark Magic:Black Chains"
Lumabas ang hindi mabilang na mga kadena sa kamay ni darth hanggang sa kumalat ito sa paligid at matapos nun ay lumikha ito ng pagyanig sa lupa.
"Anong ginagawa nya?" tanong ko saking sarili.
Mukang may kung anong lumilitaw sa katawan nya ngayon at dumadaloy ito sa pamamagitan ng mga kadena nya.
"Bat humihina ako" saad ni master na parang nahihilo.
"Master, ayos lang kayo?"
"Oo ayos lang ako pero nanghihina ako"
Pero kataka-taka dahil wala naman akong maramdaman na kahit ano na nanghihina ako.
"Anong nangyayari sa inyo master?"
"Gahahahhhhhh, mukang umeepekto na"
Agad ko naman tinignan ng masama si darth at natutuwa pa ito sa nangyayari kay master.
"Walang hiya ka talaga, naturingan ka pa naman nyang kapatid tas ganyan ka umasta sa kanya"
"Uulitin ko, wala akong kapatid na mahina, at ang nangyayari sa kanya, epekto yan ng pagsipsip ko ng mahika mula sa lupa"
"Kaya pala nanghihina si master, kagagawan mo pala"
"Pero di ko alam kung bakit hindi ka naapektuhan dahil sa pagkakaalam ko ay dapat kahit sinong may magic ay manghihina sa paghigop ko ng magic energy sa lupa at ikaw lang ang bukod tanging nakakatayo pa"
Pansin ko rin dahil kahit si reim ay nakikita kung nanghihina rin ito at kaya siguro ako hindi naapektuhan ng ginagawa nya ay sa kadahilanang may tinataglay pa akong isang kapangyarihan o iba pa.
"Mukang mag-isa ka na lang ngayon, quinn, tama ba, nakakaawa ka na ikaw lang ang lalaban sakin"
"Hindi sya nag-iisa"
Tinignan ko kung sinong sumabat bigla at ito ay si zaira na kinatuwa ko dahil may makakatulong na sakin ngayon para mapabilis ang pagtalo kay darth,maliban dun ay isa-isang dumating sina aris, ally, randolph at crimson"
"Kami na ang tatapos sayo, darth" saad ni crimson
"Hahahh, nagpapatawa ka ata, wala pang kahit na sino ang makatalo sakin at bigla mong sasabihin na matatalo nyo ako, yun ang pinaka nakakatawang sinabi mo sa akin"
"Kung para sayo biro yun, ibahin mo yung samin dahil gagawin naming totoo ang sinasabi namin" sabi naman ni ally.
"Kung makakaya nyo akong matalo, kahit magsanib pwersa pa kayo, hindi kayo magtatagumpay sa gagawin nyo sakin"
"Tara guys, talunin natin yang ugok na yan" saad ni randolph kaya panatag nako.
"Simulan na natin"
At umilaw na ang mga katawan namin na ibig sabihin ay handa na kaming labanan sya.
"Sandali!"
BINABASA MO ANG
DEVILS EMBODIMENT (Book 1)
FantasyA gay who was a chosen as a vessel for a power of a demon will he be able to utilize it or will he failed to. Discover a world were magic exist and its diversity where everyone has different magic and abilities come and lets meet those who have po...