CHAPTER 25:True Power of the Elemental Stones

3 0 0
                                    


Third persons POV

At the Mt. Zevded..........................

Nagpupulong ngayon ang mga miyembro ng blue velvet dahil dumating na ang oras para sakupin nila hindi lamang ang barione kingdom kundi pati narin lahat ng mga lugar na kasama dito.

"Master, anong una nating aatakihin?" tanong ni brishen habang nagmamanicure ng mga kuko nya.

"Syempre ang gagawin muna natin ay maghasik ng lagim sa mga bayan na sakop ng barione kingdom at kayo ang gagawa nun samantalang ako naman ay doon pupunta sa pinakasentro nila"

"Pero master, hindi bat pwede nilang malaman kung may susugod na kalaban sa pamamagitan ni sandra since isa syang manghuhula" saad naman ni seth.

"Napakadali lang ng solusyon dyan, gagamitin ko ang ability kung harangin ang magic nya at dun tayo papasok, sa ngayon ay kaylangan ko munang palakasan ang mga magic nyo gamit ang mga bato"

Inilabas nito ang mga elemental stones at dinasalan dahilan para umilaw ito.

"Handa na ang mga elemental stones"

Isa-isa nya itong binigay sa mga miyembro nya, napunta kay brishen ang stone of aqua, na kay seth naman ang stone of terra, ang stone of gale naman ay ibinigay kay gurus samantalang ang stone of gaia ay napunta sa kanilang master kung saan ay nararamdaman nitong mas lumalakas ang kapangyarihan nyang taglay.

"Sa wakas, nararamdaman ko na nadaragdagan ang mahika ko"

"Ako ho master, paano?" tanong ni bang rito.

Itinutok nito ang daliri nya kay bang at may lumabas na enerhiya na agad bumalot sa katawan niya kung saan ay ramdam nito ang matinding kapangyarihan na nasa katawan nya.

"Ngayon, ipamalas natin sa buong barione kingdom ang tunay na kapangyarihan ng mga elemental stones, humayo kayo at magpamalas ng mga kapangyarihan nyo"

At isa-isa silang umalis at pumunta sa ibat-ibang area para subukan kung gaano sila kalakas, gamit naman ang mahika ni achyls ay hinarang nito ang kakayahan ni sandra na makita ang mga magaganap at pagkatapos ay umalis na ito para sumugod mag-isa sa barione kingdom.

Samantala, ang ibang miyembro ng blue velvet ay nakarating na sa mga lugar na gusto nilang sirain.

"Rain Magic:Heavy Fall" at sa isang iglap ay bumuhos ang napakalakas na ulan na may kasamang mga kulog at kidlat.

"Gas Magic:Death Miasma" matapos ang matinding ulan ay sunod namang nagkaroon ng kulay berdeng usok na unti-unting tinatangay ng hangin at mabilis kumalat.

"Sand Storm" saad naman ni seth at nagpakawala ito ng napakalakas na bagyo ng buhangin.

"Bombard Magic:Eruption" bigla namang nagkaroon ng ibat-ibang pagsabog mula sa lupa.

Dahil sa ginawa ng mga miyembro ng blue velvet ay halos masira nila ang mga bayan at maraming namatay dahil sa mga sakuna at pag-atakeng pinakawalan nila.

"Ngayon ay lasapin nyo ang lakas namin" saad ni bang.

Samantala, nakarating ito kay kobar at sa nangyari sa mga bayan na sakop nya na labis nitong kinagalit kaya naman pinatawag nya ang mga walventrix at sinabi nito ang tungkol sa panggugulo ng blue velvet kaya wala na silang choice kundi harapin sila at matigil ang ginagawa nila.

"Wala na talaga silang takot sa katawan nila" ang nasabi na lang ni kobar kaya agad nitong sinutok ang pader pero pinakalma rin ito ng kanyang asawa kaya tumigil na ito.

DEVILS EMBODIMENT (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon