CHAPTER 19:The Mission

3 1 0
                                    


Quinn POV

Ngayong araw na ang pag-alis namin at kasalukuyan akong nagliligpit pati narin si reim ng mga gamit namin.

"Reim"

Pagtawag ko sa kanya kaya napatingin ito sakin.

"Ano?"

"Ahh, about pala kahapon sa nangyari"

"Kalimutan muna yun"

"Ah hindi yun yung ibig kung sabihin"

"Eh ano?"

"Gusto ko lang uhm magpasalamat sa pagliligtas sakin kasi kung di ka dumating ay baka naging inihaw nako ng wala sa oras"

"Wala yun"

"Pero gusto ko sanang bumawi sa ginawa mo, anong pwede kung gawin"

Napatigil ito sa kanyang ginagawa sabay napaisip.

"Wala akong maisip, saka na lang"

"Okay, sabi mo yan eh"

At makalipas ang 1 million years na pagliligpit ay natapos din kaya naman nilabas kuna ang mga gamit ko at sumunod din si reim palabas dala ang mga gamit nito.

"Oh, dyan na pala kayo, yung mga gamit nyo, isakay nyo na dito"

Ng tawagin kami ni master ay nilagay na rin namin ang mga gamit namin dahil anumang oras ay aalis na kami.

"Balik po kayo sa aming beach" saad ng caretaker.

"Oo, babalik kami dito, wag kayong mag-alala"

Niyakap ito bigla ni master at ganun din yung ginawa ng caretaker na parang magkaibigan lang ng napakatagal.

"Nakss naman master, nagkaroon ka kaagad ng kaibigan dito"

"Yep, kaylangan lahat ay ituring nating kaibigan o kapamilya, wala namang mawawala eh"

"Sabagay po, tama ka"

Matapos iyon ay nagsimula ng umandar ang magic cart na sinasakyan namin at ganun parin ang pwesto ko, nakasabak parin kay reim.

"Uhm reim?"

"Bakit?"

"Bat may nararamdaman akong parang bumubukol?"

"H-ha??, wala"

Hindi nako nagtanong pa at nagfocus nako saking pagtingin sa labas kung saan ay kung ano-ano ang nakikita ko gaya ng mga bundok at damuhan.

***********************

Ilang oras ang dumaan at sa wakas ay nandito na kami sa aming magic hall.

"Were home" rinig kung saad ni crimson.

Ng makababa ako ay kinuha ko kaagad ang mga gamit ko para ipasok at as usual, balik din ako sa kwarto ko at humiga.

"Hayss, sa wakas, nakabalik din"

Nakaramdam ako na parang nauuhaw ako kaya lumabas muna ako at napansin ng mga mata ko ang paskilan namin na mayron na namang mga mission.

"Maya ko na tignan" diretso ako sa kusina para kumuha ng tubig.

Matapos kung uminom ay pumunta nako dun sa may paskilan para tignan kung may gusto ba akong kunin na misyon dito at ng tignan ko lahat ay mukang magaganda ang mga rewards na matatanggap pero bumaling ng atensyon ko isang kulay gold na papel at kapag ganun ay galing sa isang royal family.

DEVILS EMBODIMENT (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon