CHAPTER 8:Montefore sisters got kidnap

8 1 0
                                    

Quinn POV

"T-tim?"

Nararamdaman kung nanghihina parin ako at nahihirapang magsalita pero hindi lang ako ang apektado, pati narin ang mga kasama ko.

"T-tim, bat ganyan ka makatitig?"

Nagtataka ako dahil sa seryosong nitong pagtitig sa amin.

"I-ikaw ba ang may gawa nito samin?"

Nakita kung may lumabas na itim na usok sa katawan nito na kinataka ko.

"Oo, ako nga ang may gawa nyan, yung ininom nyong juice kanina ay may halong 'magic draining liquid' at nagagawa nitong pahinain ang magic at katawan ng sinuman at susunod ay makakatulog kayo" saad nya at hindi ako makapaniwala pero sa tingin ko ay sinasapian sya ng kung sino dahil sa may nararamdaman akong kakaiba sa kanya.

"K-kung sino ka mang sumapi sa katawan ni tim, lubayan mo sya"

"Hahahh, magaling"

Unti-unting may namumuong anyo sa usok na bumabalot kay tim at bumungad sa akin ang isang nilalang na parang halaman pero sa tingin ko ay babae sya.

"Kumusta, mga tigawalventrix, nagustuhan nyo ba ang surprise namin?"

Tinignan ko naman ang mga kasama ko at lahat sila ay hinang hina at hindi na halos makatayo.

"Bwesit" nasabi ko na lang sa isip ko.

"By the way, ako nga pala si nettle, isa sa miyembro ng harshogre"

Pagkarinig ko sa sinabi nya na isa syang miyembro ng harshogre ay sinubukan kung tumayo subalit nahihirapan ako.

"Awhh, kawawa ka naman, kung ako sayo, wag munang subukang tumayo dahil patuloy ka lang manghihina"

"Sabihin mo, anong kaylangan nyo sa amin?" nahihirapan kung tanong sa kanya.

"Well, sabi ni master, may dalawa kaming kaylangan sa inyo, una ay gumanti sa inyo, at pangalawa, kukunin namin ang magkapatid na montefore para ibalik sa mga magulang nila at syempre pag ganun ang nangyari ay siguradong bibigyan kami ng rewards, diba ang saya"

"H-hindi kami papayag" sabat ni crimson na ngayon ay nanghihina kung saan ay sinubukan nitong batuhin ng espada yung nettle pero umiwas lang sya na ikinagulat nya pero bigla itong ngumisi.

"Im impressed, kahit ganyan na ang kalagayan mo ay nakakalaban ka parin"

"H-hindi kami papayag na magpatalo sayo o sa mga walang kwenta mong mga kagrupo"

Bigla namang nag-iba ang awra ni nettle at saka ito ngumiti na parang may saltik sa utak.

"Matapang ka ahh, pwes tignan natin kung hanggang san ka tatagal"

Umilaw ang kamay ni nettle at mukang may balak itong atakihin si crimson.

"Plant Magic:Thorned Vines"

Biglang nagkaroon ng mga baging sa loob at isa-isa nitong inatake si crimson pero nadidipensahan naman nya ang kanyang sarili.

"Aba, magaling ka ahh, pero baliwala yan kapag alam kung nanghihina ka"

Mas dumami pa lalo ang mga baging kung saan ay nahuli nito ang mga paa ni crimson at bigla syang binalibag.

"Gwaaahhhhhh!!"

Bumagsak na lang si crimson at nawalan ng malay.

"Hayss, yun na yun, hindi mo pala ako kaya, wala ka pa lang binatbat sakin"

DEVILS EMBODIMENT (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon