CHAPTER 7: The plan

7 1 0
                                    

Third persons POV

Habang papauwi si jinn ay naiinis ito dahil sa ginawa ni darth sa kanya na pagbabanta hanggang sa makarating sya sa magic hall nila, napansin naman sya nina quinn at crimson na parang masama ang loob.

"Oh master, tapos naba ang meeting nyo?" tanong ni quinn sa kanya.

"Oo tapos na pero nabubwesit ako ngayon"

"Bakit po master, may nangyari ba?" tanong naman ni crimson.

"Oo, ang master ng harshogre, si darth, may sinabi sya sa akin"

"Ano yun master?" tanong ulit ni quinn.

Napapikit naman si jinn at saka huminga ng malalim bago magsalita.

"May pagbabanta sya, sinabi nya na sisiguraduhin nyang malala ang mararanasan natin at hindi pa sila tapos sa atin"

Nakaramdam naman ng galit si quinn dahil sa sinabi ni darth tungkol sa kanilang planong paghihiganti.

"Sobra na sila, parang gusto kung turuan ng leksyon ang master ng harshogre" saad nito ng medyo pagalit.

"Kumusta master" saad naman nina heidi at natalie.

"Mabuti naman"

"Bat po kayo nagagalit?" tanong ni heidi.

"Ahh wala naman"

"Nga pala master, aalis po muna kami" saad ni natalie.

"Bakit, saan kayo pupunta?"

"Pupunta po ulit sa market, may bibilhin"

"Sige, mag-iingat kayong dalawa ah, siya nga pala, may nabasa ako patungkol sa inyong dalawa"

Nagtaka naman ang magkapatid dahil sa sinabi ni jinn  kaya naman nagtanong sila sa kanya kung ano ang tungkol daw sa kanila.

"Ano po yung tungkol sa amin, master?" tanong ni heidi.

"May nakapatong na rewards sa inyo, kung sino daw ang makakapagpabalik sa inyo sa mga magulang nyo ay may matatanggap na 1 million gold"

Nagulat naman sina quinn at crimson sa sinabi ng kanilang master.

"Totoo ba master, 1 million gold ang makukuha mabalik lang sina heidi at natalie?" tanong ni quinn.

"Oo, kahit ako nga rin ay nagulat sa ganun kalaking pabuya na ibibigay nila at sa tingin ko ay maraming nagkainteres dun"

Lumapit naman sina heidi at natalie kay jinn at niyakap ito.

"Wag po master, ayaw na po naming bumalik dun" maluha-luhang saad ni heidi.

"Oo nga po master, ayaw na namin dun, mas maganda dito, nagagawa namin yung mga bagay na gusto namin" saad naman ni natalie.

Naawa naman si jinn sa kanila at nagdadalawang isip sya dahil napamahal narin ito sa magkapatid at para nya narin silang mga anak.

"Kung yan ang pasya nyong dalawa, wala nakong magagawa pero mag-ingat parin kayo dahil pwedeng may iba na magtangka sa inyo"

"Opo master, mag-iingat kaming dalawa"

Umalis na ang magkapatid pero habang papaalis sila ay mahigpit parin silang binibilinan ng kanilang master na mag-ingat.

Quinn POV

DEVILS EMBODIMENT (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon