Third persons POV"Kung sa akala nyo ay makakatakas kayo, pwes nagkakamali kayo"
Nakakaramdam ngayon ng takot ang magkapatid dahil nasa harap ngayon nila si darth at tuwang-tuwa ito sa nakikita nya.
"Ganyan nga, i really love when someone when they feel intense fear, gaya ngayon ng nangyayari sa inyo, whahahahhh"
"Please, maawa ka samin, pakawalan mo na lang kami, gusto naming makaalis, ayaw na naming bumalik sa mga magulang namin"
Bigla namang hinawakan ni darth ang leeg ni heidi na halos mawalan na ng hininga.
"Don't tell me what to do, tandaan nyong dalawa to, ako ang masusunod at mga bihag lang namin kayo kaya kung anong gusto ko, gagawin ko, naintindihan nyo ba!"
Iniwan na ni darth ang dalawa na ngayon ay umiiyak dahil sa nahuli sila.
"Kasalanan ko to, dapat pala nag-ingat tayo, sorry natalie"
"Hindi mo kaylangang humingi ng tawad, atleast sinubukan natin, wala na talaga tayong magagawa kung ganito ang magiging kapalaran natin" malungkot sa sabi ni heidi kung saan ay niyakap na lang nila ang isa't isa.
................................................................
Dumaan ang maraming araw at linggo at unti-unting nakarecover sina quinn at ang mga kasama nito mula sa epekto ng magic drainer, pansamantala muna silang gumawa ng matutuluyan nila dahil sa nasira ang kanilang magic hall dahil sa pinasabog ito at matagal-tagal bago matapos,ngayon ay nagpaplano na sila kung pano ililigtas sina heidi at natalie mula sa harshogre.
"Master, anong balak natin?" tanong ni quinn.
"Kaylangan natin silang sagipin kahit anong mangyari, kaya itaas na lang ang kamay ng kung sino ang sasama para iligtas silang dalawa"
Nagsitaasan naman sila ng kamay pero may ilang miyembro na hindi nagtaas at ibig sabihin ay hindi sila sasama.
"Kung ganun, maiiwan dito ay sina andrea, marco at jared at ang mga sasama sakin ay sina quinn, crimson, aris, ally, zaira, randolph at reim, hindi narin masama at sapat na tayo para iligtas sila"
"Kaya natin to master, tiwala lang"
Matapos nilang magpulong ay naghanda na sila kung saan ay nagpalit muna sila ng susuotin nila.lumabas na sila pero biglang nagpatawag si jinn ng isa pang importanteng pag-uusap.
"Sandali lang, nakakuha na ako ng information patungkol sa kanila"
Lumapit naman kaagad sina quinn sa kanilang master at nakinig sa sasabihin nya.
"Anong tungkol sa kanila master?, sabihin mo po lahat ng mga nalaman nyo"
"Sige, base dito ay binubuo ang harshoger ng pito at kasama na dito ang kanilang master na si darth"
At sinimulan nya na ngang basahin ang mga patungkol sa bawat miyembro ng harshogre.
"Una ay nagngangalang si 'Sparrow', isa syang humanoid bird, ibig sabihin ay isa syang kalahating ibon na may katawan ng tao"
"Sya po ata master yung nakita kung naghagis ng mga balahibo kina heidi at natalie" saad ni quinn.
"Ang pangalawa naman ay si 'Croake', ayon dito ay gawa sya sa bato kaya naman sya ang may pinakamatibay ang depensa sa kanilang lahat"
BINABASA MO ANG
DEVILS EMBODIMENT (Book 1)
ФэнтезиA gay who was a chosen as a vessel for a power of a demon will he be able to utilize it or will he failed to. Discover a world were magic exist and its diversity where everyone has different magic and abilities come and lets meet those who have po...