Quinn POVNandirito kami ngayon sa training hall nila and napakalawak nito, ito na kasi ang araw para mag-ensayo ng magic namin at para mas lalo pa kaming gumaling sa paggamit ng aming mga kapangyarihan.
"Welcome mga trainees, ngayon ay wag nyo muna akong tawaging hari, king o anumang itawag nyo, just call me master, maliwanag ba?" tanong sa amin nito.
"Yes po master"
"Mabuti, ngayon magsisimula na tayo at ang una nating pag-aaralan ay ang purpose ng mga magic na taglay natin, kayo ba? pamilyar na ba talaga kayo sa mga mahika nyo? Kilala nyo na ba ito ng buo?"
"Hindi pa po master, pero tanong lang, bakit kaylangan pong makilala namin ang mga mahika namin?" tanong ni crimson habang nakataas ang kamay nito.
"Mahalaga dahil once na kilala muna ang magic mo at kung ano ang mga kahinaan at kalakasan nito ay malaking advantage para makatulong sayo sa ibat-ibang sitwasyon, sige magbibigay ako ng example pero need ko ng volunteer"
Nagpresenta naman ng kanyang sarili si crimson at pumunta sa harap.
"Okay, so ano ang mahika na ginagamit mo, maari mo bang ipakita"
"Sige po"
Dumistansya muna ng konti si crimson kung saan ay umilaw ang katawan nito at nakasuot na sya ng isa sa kanyang chavelier form.
"Hmm, interesting, anong tawag sa mahika mong yan?"
"Cavelier Magic"
"Ahh, cavelier magic, ngayon ganito ang halimbawa ko sa tinutukoy ko na pagkilala sa mga mahika nyo, kung mapapansin nyo sa suot nyang armor, ang kalakasan nito ay pwede mo itong magamit bilang proteksyon mula sa mga atake ng kalaban"
"Ano naman po ang weakness na tinutukoy nyo?" tanong bigla ni aris.
"Ang sinasabi kung kahinaan naman, diba sinabi ko na itong armor nya ay malakas sa pagsangga ng mga atake, at sa tingin ko ay ang kahinaan naman nito ay sa mga mage na kayang humiwa ng mga bagay o mga sobrang lalakas na atake, tama ba ako miss crimson?"
"Opo, master"
"Ganun ang pinupunto ko, alamin nyo ang mga advantage ng inyong mga magic ng sa ganun ay mapag-isipan nyo kung anong magiging plano nyo, malinaw na ba sa inyo sa sinasabi ko?"
Tumango na lang kami bilang sagot na oo.
"Ngayon naman ay pupunta ako sa harap at isa sa inyo ay kaylangang gamitan ako ng atake"
Sa hindi malamang dahilan ay napataas na lang ako ng kamay na ikinagulat ko.
"Oh, mukang gusto ni quinn na sumubok, sige, gawin mo, batuhin moko ng espada na nasa gilid mo"
Wala narin akong nagawa kaya malakas kung binato sa kanya ang espada ko pero iniwasan nyo lang ito.
"Ngayon ano naman itong susunod nyong dapat malaman, ito ay ang tamang pagbato ng mga atake nyo, gaya nyang ginawa ni quinn, naiwasan ko ang atake nya dahil alam ko na magbabato sya ng atake sakin, importante rito na alam mo dapat kung kelan ka aatake para ng sa ganun ay madali mong mapinsala ang kalaban mo, malinaw ba?"
"Opo" sabay sabay naming pagsang-ayon.
"Very good, ngayon naman ay magkakaroon tayo ng dwelo at pipili ako ng magiging kalaban nyo"
BINABASA MO ANG
DEVILS EMBODIMENT (Book 1)
FantasyA gay who was a chosen as a vessel for a power of a demon will he be able to utilize it or will he failed to. Discover a world were magic exist and its diversity where everyone has different magic and abilities come and lets meet those who have po...