CHAPTER 2:Adventure is waiting

16 3 0
                                    

Quinn POV

Naalimpungatan ako dahil sa kung ano-anong ingay sa labas kaya bumangon ako para tignan kung anong nangyayari.

"Bat ang ingay"

Habang kinukusot ko ang mata ko ay medyo may naaninag ako na parang mga pamilyar na tao.

"Quinn!" biglang bungad sakin ng kung sino.

"Sino ka?" tinignan ko ito mula ulo hanggang paa pero di ko kilala.

"Ayy grabe sya oh, di muna ako nakikilala"

Napasinghap ako dahil hindi ko talaga matandaan kung sino tong babaeng to.

"Sino ka nga?" tanong ko.

"Okay, okay, ako to, si Aris Zoner"

Ng binanggit nya ang pangalan na yun ay bigla kung naalala siya at hindi ako makapaniwala na siya itong babaeng to sa harap ko ngayon.

"Wait, naguguluhan ako, pano ka naging babae, eh parehas lang naman tayong bading, so pano nangyari?"

Nakita kung umilaw ang katawan nito at bigla syang nagbabago ng anyo at parang bumabalik ito sa katawan ng lalaki.

"Surprise, akala mo totoo no"

"Gumamit ka ba ng transformation magic?" tanong ko.

"Oo pero hindi lang yun, mismong mahika ko talaga yun"

Paliwanag nya sakin kaya naman namangha ako dahil kaya nyang magbago ng anyo.

"Ayos yan ahh" pagbati ko sa kanya.

"Nga pala quinn, kamusta ang misyon mo noon sa futura continent?"

"Ayon, medyo mahirap pero kinaya naman" pagsisinungling ko.

May narinig naman akong bulungan sa likod at ng silipin ko ito ay siya yung babae kahapon na bago at may kasama rin ito na isa pang babae rin na mukang baguhan.

"Sino pala sila master?"

Tinuro ko naman kung sino ang sinasabi ko kung saan ay tumingin din si master sa kanila.

"Ahh, yung una dyan na babae ay si "Heidi Montefore" at yung pangalawa naman ay si "Natalie Montefore", galing sila sa isang mayamang pamilya pero lumayas sila dahil mahigpit sa kanilang tinitirhan at istrikto din ang mga magulang nila"

Lumapit naman ang dalawa sa akin at inilahad ang kanilang kamay.

"Hello po sa inyo"

"Ako rin, nice meeting you"

Nilahad ko rin ang mga kamay ko para kamayan sila.

"Alam nyo ba, napakasikat ng pangalan niyo" saad ni heidi.

"Talaga ba? Parang di naman ganun kasikat ang pangalan ko"

"Totoo po yung sinasabi niya, pinag-uusapan ka po ng mga iba-iba wizard at base sa naririnig ko, malakas ka daw pong salamangkero" saad naman ni natalie.

Ako naman ay hindi makapaniwala, oo alam ko na isa ako sa Rank-A mage, pero para sakin ay hindi naman ako ganun kalakas para pag-usapan.

"Totoo ba ang sinasabi nila master?"

"Sa palagay ko ay oo"

Ng masagot na ni master ang tanong ko ay medyo natuwa ako dahil kahit matagal akong nawala ay may mga nakakakilala pa pala sa akin.

DEVILS EMBODIMENT (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon