CHAPTER 29:Secrets of the Stones

5 0 0
                                    


Quinn POV

Kasalukuyan ko paring kalaban ngayon si prinsipe raven at habang ginagawa ko yun ay nag-iisip din ako ng plano kung paano ko sya mapapabalik sa normal.

"Ano? Suko ka na ba?"

Hindi ko sya sinagot at pilit kung dinidepensahan lahat ng mga pag-atake nya sakin.

"Ayokong labanan ka"

"Mahina lang ang nagsasabi nyan"

Napaligiran agad ako ng mga matatalas nyang atake kaya umilag ako.

"Emerald Magic:Rain of Shrads"

"Blade Slash"

Sinubukan kung sanggain ang mga atake nya na nagmistulang ulan pero dahil sa dami nito ay hindi ko masangga lahat.

"Gwaaaahhhhh!!"

Nakakaramdam ako ngayon ng panghihina dahil sa mga malalalang sugat na natatamo ko ngayon.

"Mahina ka na pala hahahh, wala kang kwenta"

Muli na naman syang nagpaulan ng atake na dahilan para tuluyan akong makatanggap ng pinsala at sumunod ay dahan-dahang bumagsak ang dalawa kung tuhod sabay kinakapos na ng hangin.

Nararamdaman ko na lang na pabagsak na ang talukap ng mga mata ko at hindi kuna alam kung anong sumunod na nangyari.

"Gumising ka quinn"

May kung ano akong naririnig na boses, dahan-dahan kung minulat ang mga mata ko at sa pagdilat ko ay nasa isang lugar ako na nababalot ng maitim na usok at nasa gitna ako nito kung saan ay dito sa pwesto ko ang may liwanag lang.

"Nasan ako?"

Napahawak na lang ako sa muka ko dahil gusto kung malaman kung totoo itong nakikita ko.

"Ohmygoshh, nasan nako"

Nang biglang nagulat ako ng may lumitaw sa harapan ko na hindi ko alam kung sino.

"Sino ka? Nasan ako? Patay na ba ako huhu"

Walang ano-ano'y binatukan ako nito sa hindi ko malamang dahilan.

"Aray, bakit moko binatukan? huh!"

"Para ka kasing timang, ang OA mo masyado, FYI lang hindi ka pa patay"

"Eh kung hindi ako patay, asan ako at sino ka?"

"Nasa sarili mong panaginip ka, inshort buhay ka pa talaga, natutulog ka lang"

Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa narinig ko mula sa babaeng to.

"Haysssss, salamat"

"Ako nga pala si Ayesha at pinadala ako dito para tulungan ka"

"Wow, ganda sana ng pangalan mo pero nambabatok ka"

"Sorry lang, masyado ka kasing OA kanina, di ko pa nga naeexplain"

"Pero sya nga pala, sinong nagpadala sayo at anong tulong ang mabibigay mo sakin?"

"Basta, wag ka ng marami pang tanong"

May iniabot ito sa akin na parang enerhiya na kulay asul at pumasok to sa katawan ko.

"Ano yun?"

"Isa yung healing energy, ang kaylangan mo lang gawin ay hawakan sa noo yung dalawa na kinokontrol ng magic ni achyls"

DEVILS EMBODIMENT (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon