CHAPTER 6:An orphan child

13 1 0
                                    

Quinn POV

Matapos kung paliguan ang bata ay ginamot ko naman ang mga sugat nito sa kamay.

"Bata, medyo mahapdi to ha"

Kumuha ako ng bulak na may patak ng wound potion para pagalingin ang sugat nya.

"Ahh!"

Napadaing ito dahil sa hapdi pero maya-maya lang ay gumaling na ang nga sugat nya sa kamay.

"Magaling ka na"

"Wow, ang galing naman po, salamat po sa paggamot sakin"

"Wala yun, sya nga pala bata, anong pangalan mo?"

"Ako po si Tim"

"Ang ganda naman ng pangalan mo, ako naman si quinn"

"Ang ganda rin po ng pangalan nyo"

"Salamat, at ito naman tim si master jinn" pakilala ko kay master at kumaway naman si master sa kanya.

"At ito naman sina crimson, aris, ally, heidi, natalie, jared, marco, andrea at si reim" saad ko habang itinuturo ko sila isa-isa.

"Kumusta tim" sabay-sabay nilang sabi sabay kaway.

"Kumusta rin po sa inyo, salamat po dahil inampon nyo po ako, lalong lalo na po kay master jinn"

Lumapit naman si tim kay master para yakapin ito.

"Ahh, ang sweet naman" saad ni ally.

"Sus, yan ka na naman, ahh ang sweet naman" sabat bigla ni aris at ginagaya nito ang pagsasalita ni ally.

"Alam mo, epalist ka rin no, gusto mo talagang makaltukan sa  ulo"

"Tama na kayong dalawa, may bata dito oh, at ikaw aris, tigilan mo na yang pang-aasar mo kay ally"

"Ahahahh, deserve" natatawang sabi ni ally rito.

Pinandilatan naman siya ni aris at nagsuplado.

"So master, anong plano mo na ngayon sa kanya?" tanong ni andrea.

"Nakapagdesisyon na ako"

Tinignan naming lahat si master at inintay kung anong sasabihin niya sa amin patungkol kay tim.

"Hindi lang natin sya aampunin, ngayon ay ganap na syang miyembro natin at ituturing na natin syang pamilya"

Natuwa ako dahil madaragdagan na naman ang miyembro namin.

"Salamat po sa inyo" saad ni tim sa amin.

"Wala yun tim, lahat ng narito sa grupo namin ay pamilya at isa ka na dun sa madaragdag"

Nakita kung ngumiti ito kaya naman ay niyakp namin sya isa-isa para maramdaman nya lalo na totoo ang sinasabi namin.

"Maraming salamat po talaga sa inyong lahat"

Bigla namang bumukas bigla ang pinto kaya naman napalingon kaming lahat at unti-unti naming naaaninag ang dalawang tao na parang pamilyar sakin.

"Sino kayo?" tanong ni master sa dalawa.

Humakbang naman sila ng sabay hanggang sa tuluyan na naming nakita ang mga mukha nila na ikinagulat namin.

"Kumusta sa inyo, master at sa inyo"

DEVILS EMBODIMENT (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon