CHAPTER 4:The Montefore Sisters

12 1 0
                                    


Third persons POV

Kinabukasan ay maayos na ang lagay nila crimson na ngayon ay nag-aayos ng mga nasira sa kanilang hall dahil narin sa mga ginto na dala ng dalawa kaya nakabili sila ng mga materyales na kailangan para sa pagsasaayos,tulong-tulong ang lahat ng miyembro ng walventrix para madaling matapos ang kanilang hall, si aris ay nagmamartilyo at si ally naman ay chinecheck kung may mga materials ba na kulang.

"San ko ba to ilalagay?" tanong ni quinn habang may bitbit itong mga magic books at mga importanteng papeles.

Luminga-linga muna si quinn para maghanap kung saan nya ilalagay ang mga gamit na hawak nya hanggang sa makita nya ang isang book shelf kaya doon niya nilapag ito.

"Ally, kuhaan mo naman ako ng tubig, please" saad ni aris.

Ng marinig iyon ni ally ay may naisip itong kalokohan.

"Sige pero sa isang kondisyon"

"Ano na naman yan, baka mamaya kung ano yan" aniya ni aris habang nagpupukpok ng pako.

"Hindi, madali lang to, promise"

"Sure ba yan,, sige nga ano yun gusto mong gawin ko?"

Nag-isip naman ulit si ally ng panibago at bakas sa muka nito na natatawa sya.

"Kiss mo nga yung pwet ng aso" malakas naman itong tumawa at si aris naman ay napikon sa kanya.

"Ahh talaga ba, gusto mo ikaw na lang yung pukpukin ko dito tutal sinasabi rin nila na matigas ang ulo mo, baka perfect kang gawing pako" tumawa rin ng malakas si aris matapos sabihin yun at ngayon ay napikon naman si ally  sa sinabi nito sa kanya kaya masama nitong tinitigan si aris.

"Ikaw!"

Inis naman na pumunta si ally sa kinaroroonan ni aris para kutusan sya pero tumakbo naman sya ng mabilis at nagsimulang maghabulan ang dalawa at nagtarawanan naman pati ang mga kasama nila.

"Anong sabi mo, pako ako"

"Oo, gusto mo idemonstrate ko pa"

Biglang naging pako si aris at nagbuboses babae sya na ginagaya kung paano ang galaw at pagsasalita ni ally kaya lalong naasar si ally sa ginagawa nito kaya halos mapuno ng tawanan ang lahat.

"Hello, ako si ally, a.k.a girl pako ahahahhh" pagboboses babae ni aris na may pang-aasar kaya naman hinabol sya ni ally na parang pusa at aso na nag-aaway.

"Bumantay ka lang pag naabutan kita"

"Sige daw, kung kaya mo"

Sinubukan naman syang habulin ni ally pero talagang mabilis si aris kaya hingal ang inabot nya.

"Yoko na"

"Ayan ang napapala ng mga asar talo, ikaw kasi yung nauna, gumanti lang ako pero peace na tayo"

Lumapit naman si aris sa kanya pero nagulat ito ng mabilis hawakan ni ally ang kamay nito kaya naman di na sya makapalag.

"Huli ka balbon" masayang sambit ni ally.

"Bitaw"

"Ayoko, ngayon ako naman ang makakaganti sayo"

"Ahh ganun, itong sayo"

Sisipain na sana ni aris si ally sa muka pero nasalag niya ang binti niya na ikinangisi nito.

"Kala mo gagana yan, pwes mali ka"

DEVILS EMBODIMENT (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon