Third person POVMahigit limang araw na ang lumipas mula ng mapasakamay ng grupo na tinatawag na blue velvet ang mga elemental stones na sa napakatagal na pagkawala nito ay malaki ang naging epekto hindi lang sa barione kingdom maging sa mga kalapit bayan nito dahil pati hanap buhay ng mga ordinaryong tao ay damay.
Nasa sala ngayon sina haring kobar, ang pamilya nito pati narin ang mga miyembro ng walventrix na gumaling na mula sa mga natamo nilang pinsala dahil sa pagsabog na ginawa ng isa sa miyembro ng blue velvet.
"Mahal na hari, anong gagawin natin?andami na pong nahihirapan simula ng mawala ang mga elemental stones" tanong ni sandra.
"Hindi ko pa alam, wala rin akong ideya kung saan naglulungga ang blue velvet, napakahirap malaman ang lokasyon nila"
"Pero haring kobar, wala na ba talagang ibang paraan para mahanap sila?" tanong naman ni crimson.
"Sa ngayon ay hindi ko pa alam kung anong gagamitin ko para matunton sila"
"Susubukan ko mahal na hari na gamitin ang isa sa aking forbidden spell"
Napatingin naman sa kanya si kobar at bakas sa muka nito na tutol sya.
"Yan ang wag na wag mong gagawin, alam mo naman siguro sandra na kapag ginamit mo yun ay malalagay sa piligro ang buhay mo, ayokong magsakripisyo ka"
"If thats the only way, gagawin ko mahal na hari maisalba lang ang kaharian natin at mabawi ang mga batong yun"
"Wait lang po haring kobar, anong ibig nyong sabihin na malalagay sa piligro ang buhay ni miss sandra?" tanong naman ni quinn.
"Dahil ang mahika na tinataglay nya ay isa sa mga special magic at kapag ganung uri ng magic ay delikado kung di pag-iisipan na gamitin sa anumang bagay"
"Special magic?"
"Oo, tama ang narinig mo at isa ang mahika ko na tinatawag na 'Omen' sa mga ganung klase ng mahika, ibig sabihin ay limitado lang dapat paggamit ko ng spell dahil kapag sumobra ay malaki ang magiging epekto sakin"
"Gaya ng ano po?" tanong naman ni ally.
"Pwede akong mawalan ng magic sa katawan at ang isa naman ay....'
"Ano po yung isa?"
"Maari kung ikamatay ang paggamit ng sobrang lakas na spell"
Ng marinig ito nila quinn ay medyo napapaisip at nalulungkot sila dahil sa narinig nila na hindi basta-basta pwedeng gumamit ng anumang spell ang isang mage na may taglay na special magic.
"Hahanap na lang tayo ng iba paraan kaysa sa ikaw ang magsakripisyo"
"Sige mahal na hari, kung yan ang desisyon nyo ay wala akong magagawa"
"Kaylangan ay sa lalong madaling panahon ay mabawi natin ang mga bato sa kanila, hindi sila pwedeng magtagumpay sa plano nilang pananakop"
"Makakaasa kayo haring kobar" saad naman ni randolph.
"Tutulong po kami sa inyo" dugtong naman ni andrea.
"Salamat sa inyong lahat"
"Pero haring kobar, paano natin hahanapin kung nasaan ang lugar nung blue velvet na yun?"
"Hayaan nyo muna akong mag-isip tungkol dyan, sa ngayon magpasalamat parin tayo dahil hindi naman lahat ay nakuha nila"
Nagtaka naman silang lahat sa sinabi ni kobar kaya naman ay nagkaroon ng mga katanungan sa kanilang mga isip.
BINABASA MO ANG
DEVILS EMBODIMENT (Book 1)
FantasiaA gay who was a chosen as a vessel for a power of a demon will he be able to utilize it or will he failed to. Discover a world were magic exist and its diversity where everyone has different magic and abilities come and lets meet those who have po...