CHAPTER 27:An Encounter

4 0 0
                                    


Third persons POV

Tahimik na pinagmamasdan ni achyls ang pagpasok ng walventrix pati narin ang hari ng barione kingdom kung saan sumingit ang isang ngisi sa labi nito.

"Gusto nyo ng laro, sige pagbibigyan ko kayo"

Nabalot sya ng usok at agad ding nawala para puntahan ang mga ito.

Samantala, habang patuloy parin ang unti-unting paglapit nila ay sya namang paglitaw ni achyls sa kanilang harapan.

"Kumusta sa inyong lahat" nakangisi nitong saad.

"May gana ka pang bumati samin pagkatapos ng ginawa mong panloloko" malakas na pagkakasabi ni kobar sa kanya pero parang wala lang ito.

"Well sorry kung uto-uto kayong lahat, masyado lang akong wais kaya madali kayong nahulog sa patibong ko"

"Pwes ngayon hindi muna kami mauutong lahat, nandito kami para bawiin sa inyo ang mga elemental stones" sabat naman ni raven.

"Yun ay kung magagawa nyo"

Pinitik nito ang kanyang daliri kung saan ay yumanig ang lupa at may kung anong humigop sa kanila na sa isang iglap ay nilamon sina quinn nito at napunta sa hindi pamilyar na lugar pero ngayon ay hiwa-hiwalay sila, naiwan na lang ay sina raven at kobar.

"Anong ginawa mo sa kanila?, san mo sila dinala?"

"Hindi ko sasagutin yang mga tanong mo sakin at wala ka ng pakealam kung anumang plano ko sa kanila, sa ngayon may gagawin ako sayo at sa anak mo"

Gamit ang magic ni achyls ay gumawa ito ng parang isang mahabang tubo na nakakonekta sa kanilang braso.

"Anong gagawin mo?"

"Ano pa nga ba? Susubukan ko kung gaano na kalakas ang kapangyarihan kung humigop ng mahika ng iba at sisimulan ko yun sa inyong dalawa"

"Hindi ka magtatagumpay na balak mo, may pipigil sayo" sabat ni raven sa kanya.

"At sino naman?, kung meron ay nasaan sya, wala dito hindi ba at kung sasabihin nyo na ang grupo ng walventrix ang pipigil sakin, pwes hindi na mangyayari yang sinasabi mo dahil sa mga oras na to ay sigurado akong pinapatay na sila ng mga miyembro ko"

Pilit nagpupumiglas ang dalawa pero dahil nga sa may nakadikit sa kanila na tube ay hindi sila basta-basta makaalis.

"Ahhh!"

Unti-unti ng nararamdaman ng dalawa ang labis na panghihina na lalong ikinatuwa ni achyls dahil sa tingin nito ay tagumpay sya dahil ramdam nya rin sa kanyang katawan ang dumadaloy na enerhiya na galing sa mag-ama.

Quinn POV

Hindi ko alam kung nasaan ako, ang huli ko lang natatandaan ay may humigop na kung ano sa amin at napunta ako dito sa medyo mausok na lugar na to.

"Guys! Asan na kayo?, nandito ako" malakas kung pagkakasigaw pero walang nagrerespond.

Habang naglalakad ako ay may kung ano akong nabangga kaya tinignan ko yun at ito pala si crimson.

"Crim"

"Quinn, buti nakita kita"

"Ako rin, nakita mo ba ang mga kasama natin"

Napataas na lang sya ng kanyang balikat habang ako naman ay napatango sa sagot nito sakin.

"San nga ba tayo?"

DEVILS EMBODIMENT (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon