CHAPTER 10:Walventrix Vs. Harshogre

8 0 0
                                    


Third persons (very short) POV

Matindi ang nagaganap na laban sa bawat miyembro ng walventrix kontra sa harshogre kung saan ay parehas na ayaw magpatalo ng magkabilang kampo.

Crimson POV

"Mukang pagod ka na?"

Tinignan ko naman si nettle at nakangisi pala ito sa akin.

"Well, hindi pa, hindi ako basta-basta na papagod lang"

"Ikaw siguro si crimson sorcette if im not mistaken"

Tumindig naman ako ng pormal at parang may tapang ng konti.

"Ako nga yun"

"At base sa aking research about you, may titulo ka bilang 'Red swordster' dahil magaling kang gumamit ng espada at makipaglaban, tama ba?"

Medyo nairita naman ako sa kakatanong nya sakin kaya naman nagsalita ako.

"Maglalaban ba tayo dito oh iinterviewhin mo na lang ako"

"Opss, wag kang mainip, mukang nairita yata kita, pasalamat ka at hindi pa ako seryosong makipaglaban sayo"

"Dami mong satsat"

Mabilis akong pumunta sa kinaroroonan nya pero napansin kung hindi ito gumagalaw hanggang sa makita kung may mga baging na papunta sakin kaya gamit ang espada ko ay hiniwa ko yun.

"Nice naman, pero sa tingin mo ba ay madadaplisan moko ng atake mo, i dont think so"

Nagulat ako ng may tumubong napakaraming halaman sa paligid ko na kinataka ko.

"Ano to?"

"Bomb plants"

Matapos nyang banggitin ang pangalan nung mga halaman na to ay nagpatumbling tumbling ako para iwasan yun dahil paniguradong malala ang matatamo kung pinsala.

"You can try, but you can't win anyways"

"Tignan natin"

Agad ko ng ginamit ang mahika ko kaya naman bigla akong nagliwanag at ngayon ay nagbago na ang suot ko.

"Silver cavelier form"

"Transformation magic huh?"

"Well, Oo, tinatawag ko itong 'Chavelier Magic' ibig sabihin ay pwede akong gumamit ng ibat-ibang uri ng armor at ang secondary magic ko naman ay tinatawag kung 'Armament magic' at kaya ko naman magtawag at makagamit ng anumang klase ng weapon na gusto ko"

"Well, isa lang naman yang common magic so nothing special sa ganyan"

Nagpalabas naman sya ng mga baging na may tinik pero hiniwa ko lang ito gamit ang espada.

"Kaya mong hiwain ang mga baging ko huh, pero pano naman kung marami gaya ng ginawa ko nun sayo"

Bigla naman dumami ang mga baging kaya naman pinalitan ko na ang hawak kung espada.

"Armament Magic:Silver Katana"

Lumitaw naman sa kamay ko ang isang katana at mabilis kung hiniwa ang mga baging ng walang kahiral hirap.

"Yun na lang ba ang mga atake mo, wala na bang iba?"

"Ahh, so gusto mo pala, pwes pagbibigyan kita"

DEVILS EMBODIMENT (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon