Quinn POV
Tahimik lang naming pinapanood si master pero habang ginagawa ko yun ay kinakalagan ko rin ang dalawa.
"At sa tingin mo ba ay hahayaan kitang pakawalan sila"
Nagulat ako ng marinig kung magsalita si darth na ngayon pala ay nakatitig sakin dahil nakita nya akong kinakalagan ang dalawa.
"Paktay"
"Dark Magic:Black Bullets"
Nakita kung pinorma nya ang kamay nya na parang baril sabay tutok sakin kung saan ay naglabas ito ng mga bala na enerhiya na papunta sakin kaya pumikit na lang ako pero mga ilang segundo ay wala akong naramdamang kahit ano at ng dahan-dahan kung idilat ang mga mata ko ay nasa harap ko pala si master at mukang sinangga nya ang atake ni darth na tatama sana sakin.
"Tayo ang magharap, wag kang mandamay ng kahit sino"
"Ahh talaga lang ha, ibang klase ka rin no, kaya mong protektahan ang mga tulad nilang basura at walang kwenta"
"Oo at kung basura at tingin mo sa kanila, pwes mas basura ka"
"Ahh ganon, tama nga sila, napakahina mo, ngayon naniniwala ako sa sabi-sabi na ang mahina kahit anong gawin, mahina parin, gaya mo, pinoprotektahan mo ang mga gaya nila"
"Mas okay naman kung na ganito ang ginagawa ko, ang magtanggol ng mga importante sa akin kaysa sa iba na magaling manakit ng iba"
"Pwes, magsama-sama kayong mamatay, well di narin naman kitang tinuturing na kapatid kaya bye bye"
Matapos nilang mag-usap ni master ay kita kung ikinumpas ni darth ang kanyang kamay para magpakawala ng atake at tama nga ang hinala ko dahil ginawa nya.
"Dark Magic:Black Chains"
Muli nya na naman nyang inatake si master gamit yung spell na ginamit nya sa amin kanina pero nakita kung nakailag lang sya dito ng wala man lang nagagalusan.
"Holy Magic:White Chains"
Gaya ng ginawa rin ni darth ay lumabas ang isang kadena sa kamay ni master pero puti ito.
Nagpuluputan naman ang kadena ng dalawa pero mas lamang nga lang ang kadena ni master dahil madali lang nitong nakacancel ang kadena ni darth na ginawa.
"Sabihin mo nga, ginagamit mo ba yang magic mo para kontrahin yung akin dahil alam mong mas malakas ako sayo?"
"Hindi, sadyang nakatadhana na talaga na ganyan ang magiging kapalaran nating dalawa pati narin sa gamit nating magic"
"Ahh, kung ganun kaylangan may mawala sating dalawa at syempre walang iba kundi ikaw"
Matapos nyang sabihin yun ay tinangka nitong atakihin ulit si master pero gamit ang espada ko ay sinangga ko amg atake nya.
"Wag mong sasaktan si master"
Matapos kung sabihin yun ay tagumpay akong napakawalan ang dalawa na ngayon naman ay parang aatakihin si darth anumang oras.
"Paanong nakawala silang dalawa?"
Nagtaka ito kung paano ko nagawang pakawalan sila kaya sinagot ko na ang tanong nito sakin.
"Madali lang, unang gagawin mo lang ay punteryahin lahat ng ugat ng bomb plant, gaya lang naman sya ng ibang halaman na ang weakness ay ang ugat nila"
BINABASA MO ANG
DEVILS EMBODIMENT (Book 1)
FantasyA gay who was a chosen as a vessel for a power of a demon will he be able to utilize it or will he failed to. Discover a world were magic exist and its diversity where everyone has different magic and abilities come and lets meet those who have po...