CHAPTER 5:A New Member??
Third persons POV
"Makapunta nga sa may gubat" aniya ni jinn at pumunta ito ng gubat para magmuni-muni lang.
"Master, san kayo pupunta?" tanong ni jared, isa sa mga miyembro ng walventrix.
"Ahh, maglalakad-lakad lang, don't worry, di rin naman ako lalayo"
Nagpatuloy na ito sa kanyang paglalakad at habang ginagawa nya yun ay namumulot ito ng mga dahon-dahon saka biglang itatapon na parang bata.
"Ansaya pala ng ganito"
Pero napatigil siya saglit ng may marinig syang kumakaluskus sa may damuhan kaya medyo nangamba ito.
"Sinong nandyan? Kung sino ka man magpakita ka sakin, hindi ako takot sayo"
Naglabas naman si jinn ng isang espada kung sakaling may aatake sa kanya at para pang depensa narin.
Dahan-dahan naman syang lumapit sa damuhan para tignan kung may tao ba dun at ng masilip nya to ay nakahinga sya ng maluwag dahil wala naman syang nakita dun.
"Phew, kala ko kung ano na, wala pala" medyo natatawa pa nitong sabi.
Ng humarap to ay nagulat sya dahil nasa harap nya ay isang bata na napakadungis na ikinataka nya dahil nga sa may bata sa gubat.
"Naku, bata anong ginagawa mo dito? Bat ka mag-isa?"
Sunod-sunod nitong tanong sa bata, hindi muna nagsalita ang bata ng ilang segundo.
"Wala na po akong magulang, patay na po, palaboy na lang po ako" malungkot nitong pagkukwento kay jinn.
Medyo lumuhod naman si jinn para maabot ang bata kung saan ay niyakap nya ito ng mahigpit.
"Tahan na bata, wag kang mag-alala, aampunin na lang kita, okay ba sayo yun?" tanong ni jinn.
Tumango naman ang bata na pumapayag itong ampunin sya, matapos ay kinarga ito ni jinn at inuwi nya na lang ang bata na ngayon ay nakatulog na dahil siguro sa pagod.
"Nandito nako"
Bungad ni jinn sa mga kasamahan habang karga ang bata at inihiga nya ito sa upuan.
Nagtaka naman ang ibang miyembro dahil sa may dala ngang bata si jinn at napansin nilang kakaawa ang kalagayan nya kaya nagtanong sila.
"Master, sino yan?" tanong ni Marco, isa rin sa miyembro ng walventrix.
"Hindi ko pa alam marco, nakatulog na kasi sya siguro dahil sa pagod"
"Kawawa naman ang bata, ano po bang nangyari sa kanya master?, bat madumi sya?" Tanong naman ni Andrea,isa rin sa mga miyembro ng walventrix.
"Ang sabi nya sakin, ulila na sya, patay na daw ang mga magulang nya kaya naging palaboy na sya"
"Ganun po ba, kung ganun master, ampunin nyo na lang sya kaysa naman hayaan lang syang magpalaboy-laboy kung saan-saan, mas mabuting dito na lang sya"
"Yun din talaga ang plano ko, ang ampunin sya" saad ni jinn kay andrea.
"Tama po ang desisyon nyo master" sambit din ni Marco.
Bumukas naman ang pinto at bumungad sa kanila sina quinn na kakauwi lang galing sa pamimili.
"Andito na kami master"
BINABASA MO ANG
DEVILS EMBODIMENT (Book 1)
FantasyA gay who was a chosen as a vessel for a power of a demon will he be able to utilize it or will he failed to. Discover a world were magic exist and its diversity where everyone has different magic and abilities come and lets meet those who have po...