CHAPTER 30:Merge with the Elements

2 0 0
                                    


Third persons POV

Tuluyan ng sumanib ang mga elemental stones sa lahat ng miyembro ng blue velvet kung saan ay nahihirapan ang ating mga bida, anong hakbang kaya ang gagawin nila para mapabagsak ang mga mga kalaban?

Quinn POV

"Arghh, anong nangyari"

Napahawak na lang ako sa aking ulo dahil nagkamalay ako dulot ng pagkakatalsik ko at ng mga kasama ko.napatingin pa ako sa paligid at ang nakikita ko lang ay medyo maalon pero kahit ganun ay unti-unti akong tumayo.

"Anong nangyari dito"

Hindi ako halos makapagsalita dahil sa aking nakikita kaya napatakip na lang ako ng aking bibig, ang buong lugar ay matindi ang pagkawasak na halos di muna makilala pero bigla akong nabalik sa reyalidad dahil wala sina haring kobar, si raven at si miss sandra.

"Quinn, tulong"

Napatingin ako sa di kalayuan dahil sa boses na tumatawag sakin at ng makita ko ito ay walang iba kundi silang tatlo na ngayon ay nakagapos ang mga kamay at paa, pilit silang nagpupumiglas pero hindi nila magawa.

"Wag munang subukan pang lumapit, wala ka rin namang magagawa sa kanila"

Tumaas ang balahibo ko dahil sa boses na nakakatakot, tinignan ko kung sino yung nagsalita at isa itong halimaw pero parang pamilyar sya.

"Achyls?"

"Ako nga, did you got surprise sa anyo kung to?"

"Wala akong pake sa anyo mong yan, pakawalan mo na silang tatlo"

"Ayos ka lang! at isa pa, sino ka ba para utusan ako na palayain sila"

"Kung hindi mo gagawin ay........."

"Ay ano? Ituloy mo ang sasabihin mo"

"Kung hindi, lalabanan kita ng seryoso"

Nag-iba ang ekspresyon ng muka nito matapos kung magsalita hanggang sa bigla itong napatawa ng napakalakas na halos ikatakip ko ng tenga dahil sa lakas ng boses nya.

"Nice joke, at sino ka sa tingin mo na may pag-asang manalo ka sakin, not in a million years na matatalo mo ang gaya ko"

Nagpakawala ito papunta sakin ng napakaraming bola ng apoy, sinubukan kung umilag pero nadaplisan parin ako ng isa dito.

"Ahahahhh, yun pa lang atake kung yun kaya ka ng madamage, ano pa kaya kung ito"

Nakarinig ako ng palakas ng palakas na tunog na nanggagaling sa taas, ng silipin ko to ay napakaraming fireball at lahat ay papunta sakin.

"Gaia Magic:EarthShaker"

Biglang yumanig ang lupa sanhi para mapatumba ako sa aking pagkakatayo.

"Gaia Magic:Wind And Water Sprouts"

Sumunod ay mga buhawi na gawa sa tubig at hangin ang ngayon ay patungo sa kinaroroonan ko.

Napapikit muna ako saglit at nag-isip pagkatapos ay pinakiramdaman ko ang mga atake nya na papunta sakin, bigla kung naalala ang mga ginagawa ko nun.nang idilat ko ang aking mga mata ay kita kung nagulat si achyls pero ngumiti lang ako.

"Wala ka ng matatakbuhan bata, yan na ang magiging katapusan mo"

"Quinn!!" malakas na sigaw ni raven sakin.

DEVILS EMBODIMENT (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon