CHAPTER 13:Walventrix Vs Harshogre 2.1

6 1 0
                                    

Ally POV

Tuluyan ko na ngang nakita ang anyo nya at nararamdaman kung napakalakas nito

"Ibang klase ang taglay nya ngayong magic"

"Bat ka nakatunganga, natatakot ka na ba sa next move na gagawin ko sayo"

Umuusok pa ang katawan nito na parang sasabog pero naisip kung normal siguro yun.

"Bring it on" kinakabahan pako ng sabihin ko yun sa kanya at sya naman ay ngumisi at parang may gagawin syang malala.

"Okay, be my guest"

Bigla syang dumami at animoy gumagawa sya ng mga clone nya hanggang sa mapansin kung dumadami ito.

"Fly Magic:Thousand eyes"

Gamit ang spell na yun, nabalot ang buong katawan ko ng napakaraming mata para mamasdan ko ng maigi kung saan sya aatake.

"Hahahhh, sa tingin mo ba maliligtas ka ng skill mo na yan"

Mabilis itong nawala sa likuran ko matapos nyang magsalita pero nagulat ako ng may aatake sakin na isa sa clones nya kaya naman dinepensahan ko ang sarili ko pero nagulat ako ng wala man lang akong naramdamang kahit ano.

"Ibig sabihin mga peke tong clone na to, naisahan ako dun ahh"

Gamit ang taglay kung bilis ay inisa-isa kung inatake ang mga clones nya na madali ko namang nagawa pero ng akmang uubos ko na sana yung isa nyang clone ay bigla itong lumitaw sa harap ko at sinipa nito ako sa muka dahilan para mapatalsik ako sa gilid.

"Hahahh, nahirapan ka bang mahanap ang totoo kung katawan, pwes mas papahirapan pa kita"

Mabilis itong nagtungo sakin at inumpisahan nya akong atakihin at sa sobra nya ngang bilis ay halos hindi ko sya makita na parang kasing bilis na sya ng liwanag.

"Hindi pwede to" saad ko habang pinoprotektahan parin ang ang aking sarili.

Ng magkaroon ako ng tyempo ay napredict ko ng biglaan kung saan sya aatake kaya ang ginawa ko ay tinaymingan ko sya hanggang sa tagumpay akong mahawakan ang paa nito kaya naman hindi na sya makakilos.

"Bitawan mo yung paa ko"

Nagpupumiglas pa sya pero hindi ko parin binibitawan ang paa nya.

"Ngayon humanda ka"

Inilipad ko naman sya sabay umikot-ikot kami sa himpapawid at mabilis ko syang hinagis paibaba pero ng bumagsak ito ay mabilis naman syang pumunta sa akin kung saan ay balak pa ako nitong suntukin pero this time ay hinawakan kuna ang kamao nya sabay sinuntok ko sya sa muka.

"Kala mo ha hindi ako marunong sumuntok"

At nagsuntukan kaming malala ni cresth hanggang sa pareho na kaming maraming natatamong sugat at pasa sa katawan pero di parin kami magpaawat.

"Youre good, sa buong buhay ko ngayon lang ako napalaban ng ganito" saad nya.

"Same, wala pa akong nakakalaban before na mabilis katulad mo"

"So bagay tayong dalawa"

"Yuck, assuming ka, remember na magkalaban tayo, FYI lang"

"Nakakatawa ka rin, pero tama ka, magkaaway parin tayo kaso parang nagiging type na kita"

"Type mo muka mo, kung ako sayo, magseseryoso na ako ngayon pa lang"

DEVILS EMBODIMENT (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon