Quinn POVKung saan-saan ako nagsususuot na lugar hanggang sa may nakikita akong liwanag sa di kalayuan, dahan-dahan ko tong nilapitan at ng hahakbang na sana ako ay bigla naman akong nadapa.
"Aray"
Tinignan ko kung ano yung liwanag at nagulat ako dahil nasa harap ko sina haring kobar at si raven.
"Haring kobar, prinsipe raven, buti at nakita ko kayo, ayos lang po ba kayong dalawa?"
Hindi nila ako sinagot at panay titig lang sakin nilang dalawa kaya medyo nagtaka ako sa kinikilos nila.
"Anong nangyari, prinsipe raven bat hindi ka nagsasalita?"
Hindi parin ako nito sinagot at nakita kung may nilalabas sya sa katawan nya na matulis na bagay.
"Teka lang, anong balak mong gawin dyan?"
Mabilis nya itong ibinato sa akin pero nakailag kaagad ako.
"Whats happening to both of you, bakit nyo ako inaatake?"
Hanggang sa lumitaw ang isang itim na usok at iniluwa nito ay walang iba kundi si achyls.
"Achyls, anong ginawa mo sa kanila?"
"Wow naman, wala man lng bang master, diretso mo pa talaga akong tinawag sa pangalan ko"
"Hindi ka naman dapat tinatawag na master, alam mo kung bakit? wala kang kwenta dahil puro kasamaan ang ginagawa mo, hindi ko binibigyan ng respeto ang mga gaya mo"
"Matapang ka, well wala akong pake sa mga pinagsasabi mo, wala narin naman kayong magagawa dahil ang mga elemental stones ay nasa amin na"
Pagkatapos nyang magsalita ay inutusan nito ang dalawa na atakihin ako pero umilig lang ako para hindi ako tamaan.
"Paano ko sila lalabanan ng hindi ko ginagamit ang mahika ng demonyo?"
"Kahit magsama-sama pa kayong lahat, hindi nyo ako matatalo ngayon pa na hawak ko ang pinakamalakas na bato, wala kayong halos kalaban-laban samin"
Itinaas nito ang kanyang kamay para sana patamaan ako pero nagulat ako ng may lumitaw na isang liwanag na humarang sa atake nya.
"Buti nakarating sa tamang oras, ayos ka lang ba quinn?" tanong sakin at parang kilala ko ang boses nito.
"Miss Sandra, ikaw nga, pano ka po nakasunod dito?"
"Sa tulong nito"
Ipinakita nya sakin ang bagay na ginamit nya para makapunta dito ng mabilis.
"Anong nangyari kay haring kobar at kay prinsipe raven?"
"Sa tingin ko, kinokontrol silang dalawa ni achyls"
Napatingin naman sa amin si achyls at sabay sumingit ang isang ngisi sa labi nito.
"Aba, at nandito rin pala si sandra, gusto mo rin bang dumagdag sa mga mamamatay dito"
"Kung may mamamatay man dito, walang iba kundi ikaw"
Biglang naglabas ng mga baraha si miss sandra na may iba-ibang kulay na ikinamangha ko.
"Quinn, akong haharap kay haring kobar at achyls, ikaw na ang kumalaban kay raven"
"Pero kakayanin mo ba silang dalawa?"
BINABASA MO ANG
DEVILS EMBODIMENT (Book 1)
FantasyA gay who was a chosen as a vessel for a power of a demon will he be able to utilize it or will he failed to. Discover a world were magic exist and its diversity where everyone has different magic and abilities come and lets meet those who have po...