CHAPTER 18:New Day

4 1 0
                                    

Quinn POV

Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw kaya napabangon ako sa higaan ko kung saan ay nakita ko si reim na tulog parin.

"Parang may dumi sya"

Nilapitan ko naman ito para tanggalin ang dumi kung saan ay kumuha ako ng towel sabay punas dun sa dumi.

"Ang gwapo mo pala sa malapit" bulong ko.

Habang hinahaplos ko ang mukha nya ay gumalaw ito kaya tinanggal kuna ang kamay ko at nag-ayos.

"No ba yan, bat ko biglang hinawakan ang muka niya"

Lumabas nako para tignan kung gising narin sina master at nakita kung nasa labas sila at nagkakape, may isang araw pa kami dito at baka bukas ay uuwi na kami kaya naman dapat ay sulitin ko na ang araw na to.

"Uhm master"

"Oh, good morning quinn, magkape ka muna"

"Uhm Master, pwede bang malaman kung anong mga pwede pang puntahan dito maliban sa beach, gusto ko kasi tong libutin"

Tinawag naman ni master ang caretaker sa lugar kung saan ay tinanong nya ito at ang sabi nya ay maraming pwedeng puntahan dito pero may isang bawal lang na lugar na hindi pwedeng pasukin.

"Ganun po ba, salamat po sa pagbigay ng mga suggestion" saad ko.

"Wala yun"

Umalis na sya habang ako naman ay nagkape na at pinagmamasdan ang araw sa malayo.

"Nga pala, hindi ka ba magpapasama?"

"Hindi na po master, kaya ko na ang sarili ko, babalik rin naman po ako agad"

"Sige, ikaw bahala pero......"

May kinuha si master sa bulsa na to na kung ano at ng pinakita nya sakin ay isa itong bola na kulay puti.

"Ano to master?"

"Teleporting Sphere, gamit yan ay pwede ka kaagad makabalik dito ng mabilis, ang gawin mo lang ay itapon mo lang yan sa lupa   at susunod ay instant kanang makakabalik"

"Kahit saan ako makapunta master, sure kayong makakabalik ako talaga?"

"Oo naman, kahit sa ibang planeta ka pa magpunta, makakabalik ka parin"

Ng maexplain na sakin ni master ang tungkol dun sa bola ay tinago ko na to at bumalik saking kwarto dahil tapos narin akong magkape, magdadala na lang ako ng mga gagamitin ko para saking paglilibot.

"Saan ka pupunta?"

Napalingon ako kung sinong nagtanong at si reim pala ito na kakalabas lang sa banyo at basa ang buhok.

"Ahh, maglilibot-libot lang, di rin naman ako magtatagal"

"Samahan na kita"

"Naku, wag na, dito ka na lang, kaya ko naman ang sarili ko at isa pa, may ganito ako"

Pinakita ko naman sa kanya ang binigay sakin ni master.

"Ano yan?"

"Teleporting Sphere, kapag ginamit ko to, in an instant, makakabalik kaagad ako dito kaya wag ka ng mag-alala sakin"

Tinapik ko na lang ang balikat nito sabay kuha ng mga pwede kung dalhin at lumabas nako.

"Quinn, san ka pupunta?" tanong bigla ni crimson sakin.

DEVILS EMBODIMENT (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon