Quinn POVHalos magdadalawang araw na kami dito sa barione kingdom pero kahit ganun ay masaya ako dahil nag-eenjoy naman kami ditong lahat.
"Guys, ano kayang magandang gawin ngayon no?" saad ni randolph.
"Oo nga, halos nagawa kuna yung mga hindi ko pa nagagawa dati so gusto ko iba naman" sabat naman ni aris.
Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang babae na sa tingin ko ay medyo may katandaan na kaya naman napatayo kaming lahat.
"Kumusta kayo mga iho't iha?"
"Sino ho kayo?"
"Ako nga pala si sandra, isa akong manghuhula at nandito ako para makita kung sinong mga bisita ng aming kaharian ng sa ganun ay makilala ko sila"
Ng mapakilala nya na ang kanyang sarili ay isa-isa kaming nagmano rito.
"Kumusta po aling sandra, ako nga po pala si quinn"
"Ako naman po si crimson"
"Ako po si aris"
"Si ally naman po ako"
"Randolph naman po ang pangalan ko"
"Ako naman ho si andrea"
Nagtaka ako dahil hindi ko mahagilap si reim dito sa loob kaya naman naisip ko na umalis na naman sya siguro at may kung anong ginagawa.
"Ayy alam kuna guys" biglang sabat naman ni aris.
"Ano na naman yang naisip mo?" tanong ni ally na medyo tamad.
"Diba sabi ko na halos nagawa kuna lahat ng pwede kung magawa at gusto ko ng bago, well meron na at nandito na"
Nagtaka kami sa sinabi nito sabay tingin sa paligid.
"Saan?" sabay-sabay naming lahat na tanong.
At itinuro nito si aling sandra sa harap namin at ang sinabi nito na magpapahula sya.
"Hoy, mahiya ka aris, mamaya may gagawin pala yang si aling sandra tas parang nirerequired mo syang hulaan tayo, di ka talaga nag-iisip no"
"Ayy talaga ba, sorry lang kung ganun"
"Tumigil kayong dalawa sa pag-aaway nyo, nakakahiya kay aling sandra, para talaga kayong mga bata"
"Nako, ayos lang sakin yun at isa pa ay yun talaga ang ginagawa ko, ang manghula"
"O diba, sabi sa inyo eh papayag syang hulaan tayong lahat"
Lumitaw naman ang isang lamesa at upuan kung saan ay naupo naman si aling sandra na ikinamangha namin dahil nagbago rin ang itsura nito.
"Halikayo, huhulaan ko kung sino kayo"
"Wait lang po aling sandra, bat may pachange outfit kayo?" tanong ni ally.
"Hayaan muna iha dahil ganito lang talaga ang sinusuot ko kung manghuhula ako ng kung sino-sino"
"Ahh, okay po pero anong magic po ang ginagamit nyo sa panghuhula?"
"Gumagamit ako ng magic na tinatawag na 'Clairvoyance', ibig sabihin ay kaya kung makita ang future o hinaharap"
"Ibig nyo pong sabihin ay mahuhulaan nyo lahat ng mangyayari samin"
Tumango ito bilang sagot sa tanong ni ally at ako naman ay manghang mangha dahil may ganito palang mga mage na may special na magic.
BINABASA MO ANG
DEVILS EMBODIMENT (Book 1)
FantasyA gay who was a chosen as a vessel for a power of a demon will he be able to utilize it or will he failed to. Discover a world were magic exist and its diversity where everyone has different magic and abilities come and lets meet those who have po...