CHAPTER 20:The Barione Kingdom

5 1 0
                                    


Quinn POV

"Ready na kayo?"

"Oo naman" saad ni aris.

"Yung mga gamit nyo baka may nakalimutan kayo?"

Tinignan naman nila ang mga kanya-kanya nilang gamit kung may kulang ba at mukang wala naman kaya pumara na kami ng masasakyan.

"Ba bye po master, ingat kayo"

"Mag-ingat rin kayo quinn sa byahe nyo"

Hanggang sa dumating ang isang sasakyan kaya sumakay na kami at hanap ng kanya-kanyang pwesto.

"Im so excited hehehhh" sabi ni ally habang nagsasalamin.

"Akin na nga yan, ako naman"

"Bwesit ka talaga, dapat di ka na lang sumama"

"Eh anong magagawa eh sumama nako"

"Kaya nga, dapat di ka na lang pumayag"

Dahil alam kung mag-aaway na naman sila ay pumagitna nako at sinaway naman ang dalawa kaya napatigil naman ang mga ito.

"Btw, saan na nga tayo pupunta?" tanong ni randolph.

"Malalaman mo mamaya" saad ko.

**************************

Mahigit dalawang oras din ang byahe pero worth it din naman dahil nakarating na kami sa wakas at nandito na kami sa "Barione Kingdom".

"Wow ang ganda"

Yan na lamang ang nasabi ko ng makakababa kami at tumambad ang isang nakalaki at napakataas ng gate kung saan ay tanaw ko pa dito ang loob nito.

"Ang ganda naman dito kahit gate pa lang at ang linis din" sabat naman ni crimson.

"Tara na"

Hahakbang na sana kami ng may humarang saming mga kawal sabay tutok ng mga sibat nila samin.

"Whoa, easy lang po mga manong"

"Sino kayo?"

"Kami po ay mula sa wanventrix at kami po ang kumuha ng misyon na nakapaskil po at sabi dun na may poprotektahan daw kaming mga bato"

"Hindi kami naniniwala, kaylangan may patunay"

Dali-dali ko namang binuksan ang bag na dala ko at sinalpak sa pagmumukha ng kawal ang papel.

"Naniniwala ka na po ba?"

Matapos nun ay gumilid na sila at pinagbuksan kami ng kanilang higanteng gate na akala mo ay mga bida kami sa pelikula.

"Pasensya na, nagiging mahigpit kasi kami, nung nakaraang araw lang ay may nagtangkang kunin ang mga bato kaya doble ingat kami ngayon"

"Nako, ayos lang po yun dahil trabaho nyo naman ang magbantay kaya okay lang samin, diba guys?"

Tumango na lang ang mga kasama ko bilang sabay nagpresenta naman yung kawal samin na sasamahan kami sa kaharian nila hanggang sa tumambad samin ang napakalawak na lugar at masasabi ko na lang na ang ganda talaga nya kung tutuusin.

"Parang ayaw ko ng umalis dito" rinig kung sabi ni aris.

"Sa lawak nito, pwede akong magtraining dito" sabi naman ni crimson.

DEVILS EMBODIMENT (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon