Chapter 1

28 8 0
                                        

Kabanata 1

“Una na ako nanay! baka po mahuli ako” nagmamadaling paalam ko sa nanay kong naglalaba sa labas.

Tigilan mo nga yang ka oa-han mo nak, alas sinco pa oh. Ang aga pa” tugon naman ng nanay ko pero hindi ko iyon pinagtuonan ng pansin at hinalikan na lamang siya sa pisnge at saka ako umalis ng Bahay.

Pupunta kasi ako sa Hotel De Amore para mag-apply. Pagkatapos ko kasing mabasa ang impormasyon ng hotel doon sa papel ay nalula at nahila kaagad ako ng pasweldo nila.

Limang libo isang araw, saan ka makakahanap ng ganoon kalaking pasweldo sa ibang trabaho?! Kaya I grab the opportunity, malaking tulong na ito para sa amin ni nanay.

“Dito nalang po ako kuya, salamat po. Ito po ang bayad ko oh” tugon ko kay kuya taxi driver nang makarating kami sa sinasabing hotel.

Kahit walang dalang malaking pera ay nagtaxi ako dahil sa palagay ko ay hindi pumapasok dito ang mga jeep.

“A-ang Laki!” I amazingly murmured habang nakatayo sa harap ng isang napakalaki at napakalawak na building.

Ang hotel ay hindi nakapwesto sa gilid ng kalsada dahil kailangan mo pang pumasok sa isang iskinita upang makarating dito.

Napapalibutan rin ng mga bushes, bulaklak, at kahoy ang paligid kaya maaliwalas ang hangin. I never expected na ganito kaganda ang hotel na pupuntahan ko dahil nga may iskinita kapang papasukin bago ka makarating.

I assume it to be small but modern, Hindi ganito. Ilang floor kaya 'to?

Napabuntong hininga na lamang ako bago napasyahang pumasok sa loob.

Nang makapasok ako ay mas lalo akong nalula sa ganda ng loob ng hotel.

It felt so surreal.

The statue of a woman in an elegant dress is at the center. Mayroong tubig na umaagos mula Sa itaas nito kaya nagmumukha itong fountain pero tao. It was surrounded by some bushes too kahit nasa loob.

Inilibot ko pa ang paningin sa paligid and all I can tell is it's so nature friendly with many floors. The first floor is an open space kaya makikita talaga kung ilang palapag ang buong building.

Pumunta ako sa receptionist to ask kung saan mag-aapply.

“Uhh for whose service kayo ma'am?” kaagad na nangunot ang noo ko sa tanong ng receptionist. “Uhh ano pong ibig niyong sabihin?” naguguluhan kong tanong.

“Uhh ano po kasi ma'am, this hotel is handed by two people, nakasaad po ito sa mga fliers. The appliers should choose to whom they want to belong ma'am” maiging pagpapaliwanag ng receptionist.

“Sino po ang pagpipilian?” tanong ko, “It's between, sir sandro and sir jandro ma'am” she muttered still smiling.

Ang ganda ng ngiti niya.

Napabaling ako sa paligid and every time na may makaka-eye contact ako ay nginingitian nila ako. Ang babait nila.

“Uhh, bakit po nahati sa dalawa ang ho—” I was cut off by someone who just came.

“She'll apply for mine. No more why's and assist her already” He muttered kaya napabaling ako sa kanya and he wink at me bago siya umalis na kaagad na nagpangiwi sa akin.

“Ang feeling!” naiinip kong sambit at tumingin sa receptionist na halatang natatawa. Aasikasuhin ko na po ang application mo maa—” the receptionist didn't get the chance to continue because once again, someone with a familiar voice interrupted.

Hotel De AmoreWhere stories live. Discover now