Chapter 13

16 4 0
                                        

Kabanata 13

I woke up feeling energetic as the memory of my dream flashed in my mind. Kinasal daw kami ng kaaway ko.

Lumabas na agad ako pagkatapos kong ayusan ang sarili dahil maghahanda na ako papasok.

Pero kaagad na nangunot ang noo ko at bumahid ang pagtataka sa mukha ko nang may marinig akong nagtatawanan sa kusina kaya kaagad akong nagtungo roon para suriin iyon.

I was surprised and shocked when I saw the reason why I was so energetic today laughing with nanay.

I went to nanay na nagluluto pa as if his presence was nothing to me.

Magandang umaga nanay” I greeted as I kissed her cheek.

“Oh nandyan kana pala Lia, magandang umaga 'nak. Maupo kana roon at samahan mo si Jandro para makakain na tayo. Ihahain ko lang 'to” nanay uttered and kissed me back.

Nakanguso akong nagtungo sa lalake na nakangiting nakatingin sa akin.

Noon ang hirap niyang pangitiin pero ngayon kusa na siyang ngumingiti dahil sa akin. Kung sinabi niya lang na ako lang ang magpapangiti sa kaniya edi sana mas inagahan ko ang pagdating sa buhay niya.

Ang landi, Amelia!

“Good morning, why are you here?” I greeted and asked him as I sat in the seat in front of him.

Nakakagulat kasi siya, wala yata siyang balak pahingahin ang puso ko, kakagala lang namin kahapon. Nag church date kami kaya bahala siya baka mangisay ako sa kilig nito.

His smile grew wider, “Good morning, Miss Gallego. I am here to fetch you” he greeted and answered back.

“Hindi naman kailangan, may paa naman ako para maglakad at matapang rin ako para labanan ang kung sinong babangga sa akin dyaan sa kanto” pagmamayabang ko pa na ikinatawa niya naman. Anong nakakatawa? Totoo naman! Nag taekwondo kaya ako noong kabataan ko.

“That's why, I want to protect those who might encounter my fiesty lady. Baka mabalian pa sila ng buto o umuwing umiiyak dahil sa pagkaprangka at suplada mo” ani nito that annoyed me kaya napairap na lamang ako.

Iyong tipong madama niya ang panggigigil ko. Nakakabwisit ang pagmumukha niya.

“Oh eto na, kumain na tayo” nanay said and serve us the food. Siya na rin ang nagrepresentang maglagay ng pagkain sa bawat pinggan namin na ikinanguso ko.

She's not always this maalaga if it's only us but she's doing it dahil nandito si Jandro. Nanay loves serving my visitors at kapag nagkataon ay dadalhin ko sina miss Venice dito para matikman rin nila ang luto ni nanay.

As usual, we started with a prayer before we started to eat.

“Oh sya nga pala iho, pasensya talaga ah at nabasa kita kanina. Bigla-bigla ka kasing sumusulpot 'nak e, ayon tuloy at hindi kita napansin” may pag-alalang ani ni nanay pero mas nakuha ng atensiyon ko ang pagtawag niya sa lalake ng anak.

Anong anak?! Ako lang kaya ang anak niya!

The guy laughed, “It's okay nanay, I have a lot of coat in the house” nakangiting ani ng lalake na nagpangiti na lang rin kay nanay kahit mukhang nababahala pa rin siya.

Hotel De AmoreWhere stories live. Discover now