Kabanata 19
“Sigurado kang hindi ka sasama sa akin, Lia?” nanay asked na nakatingin sa kanyang replika sa salamin habang inaayusan ko siya.
Jandro invited nanay to have dinner with him at a restaurant together with his men. Kaya nang makauwi si nanay ay ipinagtaka ko kaagad ang pagmamadali niya at ang buong galak niyang paglapit sa akin.
That explains why I am here, dressing and helping her up. First time niya raw kasi kumain sa mga mamahaling pagkainan kaya ito siya at binonggahan talaga ang aura niya.
She wears a plain white dress na may scarf na iniikot sa leeg, alangan. She kept it daw for so long na at ngayon niya lang nasuot, nagulat pa ako kung saan iyon galing dahil sa gipit namin ngayon pwede na naming ibenta 'yon.
May sandal at bag pa siya and the same with the dress, matagal nang nakatago ang mga iyon sa kanya at ngayon lang niya nasuot. I wonder kung saan nanggaling iyon.
I never knew about nanay's past life. Ang alam ko lang ay nang dumating na ako sa buhay niya, other than that, I know nothing excluding the present of course.
“Hindi nga 'nay, kayo lang naman ang inimbita” aniya ko pa habang patuloy siyang inaayusan.
“Sinabihan nga akong isama ka diba? Bakit ba una kang umalis ha? At saka bakit namamaga 'yang mata mo?” kuryosong tanong nito ngunit mababahid rin ang pag-alala sa kanyang tono ng pananalita.
“Oh diba? Ayaw ko namang pumunta na ganito ang itsura ko” aniya ko pa sa kanya and she heaved a sigh, accepting her defeat.
Sa ayos ni nanay ngayon masasabi mong mas nanay pa ako. Joke lang, mukha lang kaming magkapatid o magkaibigan. May tinatagong ganda rin pala ang nanay, kaunting ayos lang ang kailangan and viola! Gandang-ganda na.
Kaya pala iyong mga sabungerong tambay doon sa kabilang kalye palaging nagtatanong tungkol sa kanya, kilala siguro nila si nanay noon.
Pa'no ba 'yan? Hanggang tanaw lang sila kay Mirren.
“Hindi ka talaga sasama, 'nak? Dahil tutuloy na talaga ako” paniniguradong tanong ni nanay nang maihatid ko na siya sa gate.
Nakangiti naman akong tumango sa kanya. Magc-continue pa ako sa pag-eemote, nagulat kasi ako kanina sa pagdating ni nanay kaya ayon mabilis kong pinalis ang luha ko.
Pero syempre hindi ko gagawin 'yon. Maglilinis na lang siguro ako ng bahay kaysa umiyak buong magdamag tapos babalik at babalik pa rin ako sa impaktong lalakeng 'yon! Bwisit ano? Bwisit na pag-ibig.
“Hindi ka susunduin?” I asked her and she shook her head, “Sinabihan kong huwag na” aniya na ikinangiwi ko.
“Bakit? Gabi na 'nay, anong akala mo? Exempted ang mga matatanda sa mga krimen ngayon?” pabirong tanong ko pa sa kanya na tinawanan niya lang naman.
“Nagbook kaya ako ng tricycle, ayon nga oh at parating na” saad niya at bahagyang itinuro ang paparating ngang tricycle.
Parehas naming hinintay ang tricycle na tinuturo niya hanggang sa makarating iyon sa tapat namin. Nakangiting bumaling sa akin ang nanay at lumapit para halikan ako sa pisnge.
“Hindi ka na talaga sasama 'nak? Walang change of mind? Dahil aalis na talaga ako” walang tigil na paniniguradong tanong ni nanay kaya natatawa naman akong umiling.
“Hindi nga 'nay. Tumuloy kana at magpakabusog ka doon, mag-ingat ka rin” nakangiting saad ko na nagpangiti lang rin kay nanay.
YOU ARE READING
Hotel De Amore
RomanceHotel De Amore is made for the ones who shared care, love, and adoration towards each other but above all, its upmost goal is to let people live their best life while staying in the hotel. In this hotel, they'll feel loved, will attain self-satisfac...
