Kabanata 6
The telephone in the receiving area once again, rang.
Napanguso na lamang ako habang tinitignan iyon. Wala ba siyang puso?! Grabeng pang-aalipusta na ang ginagawa niya sa akin!
“Amelia, kunin mo na at baka madagdagan nanaman ang ipapagawa sa'yo” sabat ni Ms. Venice na nakatitig rin sa telepono.
“Ang layo kaya ng opisina niya ma'am” reklamo ko pa pero kinuha ko rin naman ang telepono at saka ito tinapat sa tainga ko.
“What took you so long to answer?” he asked on the other side of the telephone.
Napairap naman ako as I breathed heavily para pigilan ang sariling sagutin siya ng pabalang.
“May ginagawa lang po sir” I thanked heaven for not making me stutter at baka mabistong sinadya ko talagang huwag sumagot agad.
“I am monitoring the CCTV the whole time Miss Gallego, you can't lie to me” he muttered na nagpangiwi sa akin at binalingan ng masamang tingin ang malapit na CCTV, imagining that he's looking through that.
Alam mo naman pala bakit ka pa nagtanong.
He chuckled on the other line.
“Lilingon nalang nga ng CCTV mali pa, tsk. Come to my office now and bring me a coffee” he commanded.
Napanguso ako sa utos niya. Ang dali lang non! Pwede namang siya ang bumaba at magtimpla ng kape niya o di kaya ay utusan niya ang secretary niya. Ang tamad ng tukmol na 'to!
“Bring yours as well because you'll be cleaning my office for the remaining time since I'll be attending a meeting. Come here right away, is that clear?” pagpapaliwanag niya pa na nagpairap lang naman sa akin.
“Stop rolling your eyes Miss Gallego, you look insane”
Napasinghap ako sa sinabi niya. At nagawa niya pa talagang manghusga?! Insane? Diba baliw 'yon?! Gago 'to ah!
“Pupunta na ako!” inip kong tugon at padabog na binaba ang telepono.
“Badtrip nanaman siya” si Roland
“Bakit ba kasi sumaway sa rule. Ang lupet tuloy ng parusa. Naging utusan” natatawang ani naman ni Raine na nagpanguso lang sa akin at saka ko sila iniwan at sinunod ng nais ng tukmol kong kaaway.
Simula noong lumabag ako sa kakagawang rule na bawal maglunch sa labas ay ito naging parusa ko. I need to be his Personal Assistant for like 5 months.
Ewan ko ba kung bakit sinusumpa ako. It feels like hell seeing the guy tapos ginawa pa akong utus-utusan niya? Ay talaga naman! Tinotorture ako ng mundo!
I knocked the door of his office pero kaagad na naagaw ng pansin ko ang kakalabas lang na si sir Sandro kasama ang asawa niya— si Ma'am Railyn inggrata— at iyong baby nila mula sa kabilang pinto na siyang opisina niya naman.
Nakangiti itong nakatingin sa akin at hindi pa nakawala sa paningin ko ang pasimpleng pagkindat nito na ikinangiwi ko at napilitang pumasok sa loob ng opisina ni Jandro dahil doon.
Shucks! Gagawin pa yata akong kabit. Pogi siya pero mas pogi ang kapati— ay este mas gwapo ako! Oo gwapo ako! Bakit? Lalaki lang ba ang pwedeng maging gwapo?
“I didn't tell you to come in yet” nakakunot noong ani nito but his attention was on his laptop.
“Aano ako doon sa labas? Tatayo lang ganon?” I asked pissed, as I went to the center table and put the two mugs of coffee on top of it.
YOU ARE READING
Hotel De Amore
RomansaHotel De Amore is made for the ones who shared care, love, and adoration towards each other but above all, its upmost goal is to let people live their best life while staying in the hotel. In this hotel, they'll feel loved, will attain self-satisfac...
