Chapter 27

8 2 0
                                        

Kabanata 27

“Amelia! Bumaba kana at mamalengke pa tayo. Bakit ba kasi ang tagal mong natulog kagabi” sigaw ni nanay sa baba na siyang nagpanguso sa akin.

Nagmo-moment ang tao sa balcony e.

I heaved a sigh as I put my cup of milk down. Inayos ko rin ang suot kong mataas na saya at fitted na pink polo shirt saka ako bumaba.

Lately talaga puro ako dress at skirt dahil iyon ang gusto ng lola. Bahay niya daw kasi ‘to at dapat daw siya ang masusunod.

“Halika na, nasa labas na si Jandro at lola mo hinihintay tayo. Tulungan mo na rin akong dalhin ‘to, nakalimutan yatang dalhin ni Jandro sunod-sunod na aniya ng makababa ako.

Hindi na ako nagsalita at kaagad na tinulungan si nanay saka kami sabay na lumabas.

“Bakit ang tagal niyong mag-ina ha? Pinag-aantay pa natin ‘tong si Berting” kaagad na batbat ni lola nang makalabas kami.

“Sinabi ko naman pong hindi ako sasama e” mahinang usal ko pero sadyang malawak talaga ang pandinig nitong lola ko.

Kaagad niya akong kinutusan sa tagiliran na syang nagpangiwi sa akin.

“Hindi pwede dahil magsisimba tayo ngayon at bibisitahin na rin natin ang tatay mo. Iyon naman ang totoong sadya niyo sa pagpunta dito” aniya ni lola at unang pumasok sa tricycle.

“Ako na po nyan ‘nay, just get inside the tricycle po” biglang sulpot ni Jandro sa kung saan at kinuha ang dalang basket ni nanay na nakangiti namang inabot ni nanay sa lalake.

He's wearing a plain white polo shirt and a sage colored slack that really suits him well and I can't avoid not to stare.

I swallowed my own saliva and forced myself not to look at him.

“Salamat, hijo, kaawaan ka sana ng diyos aniya pa ni nanay nang alalayan din siya ng lalake papasok sa loob. Akala mo naman ang hirap pumasok sa tricycle.

Susunod na sana ako pero kaagad akong kinontra ni lola.

“Hindi ka na magkakasya dito lalo na‘t nandito ang mga daldalhin natin” aniya pa na nagpasinghap sa akin dahil sa gulat. Sa totoo lang? Sinasadya ba ‘to?

“E saan ako uupo?” hindi makapaniwalang tanong ko at sabay naman nilang nginuso si Jandro na walang reaksyong nakatingin sa kawalan.

I hissed before I went to the seat behind the driver's seat. Wala naman nang ibang mauupuan e.

Let me help you” malumanay na pagsulpot ni Jandro sa kung saan na muntikan nang magpahulog sa akin. Kaagad ko siyang iningilan kaya tinigil niya rin ang balak na paghawak sa akin.

Pero nauwi sa wala ang pagmamaldita ko nang muntikan na akong mahulog, at napahawak sa braso ni Jandro na mas mabilis pa sa alas kwarto, nasuportahan ang bewang ko.

“Be careful, Amelia” aniya pa at bahagyang akong binuhat para i-angat at i-ayos ang pagkaka-upo ko.

Amelia...

I just rolled my eyes dahil feeling ko naapakan ako ng mundo. Ang kapal kong pagmamalditahan siya tapos magpapatulong pa rin naman ako.

Napagtanto ko ring ang hirap magngi-usap ng break sa isang relasyon kung magkasama naman kayo palagi.

Hotel De AmoreWhere stories live. Discover now