Chapter 28

4 2 0
                                        

Kabanata 28

Alejandro! Pakidala nga ng mga lamesa sa labas at paki-ayos na rin, salamat!” nagising ako mula sa malakas na sigaw ni lola mula sa baba.

So He's back? After two days of not being here.

Bisperas ng pasko ngayon and everything feels, I don't know...overwhelmingly good.

Napabuntong hininga ako at kumuha na ng damit para makaligo na sa baba.

Pababa na sana ako sa hagdan pero napatigil nang makita kong paakyat si Jandro. He's removing his t-shirt while walking upstairs.

Balak ko sanang bumalik pero ang obvious ko naman sa pag-iwas. Our eyes met but we  just ended up avoiding each other's eyes, anyway.

It should be really a long distance break between us pero wala e. We are living on the same roof so how are we supposed to do that?

Siguro kapag babalik na lang kami sa Maynila kasi iyon naman ang nangyari noong umalis siya pabalik sa Maynila. I didn't even think that he‘ll ever come back here but here he is.

“Nanay’s waiting for you outside” seryosong aniya nang makalampas siya sa akin na nagpatigil sa akin.

Gusto ko sana siyang tanungin kung kumain naba siya but I stopped myself from asking and just nodded at him.

Tuluyan na akong bumaba at parehas kong naabutan si nanay at lola na nag-aayos ng mga lamesa. Gagamitin iyon para kainan ng mga bisita o mas madaling sabihin na para sa buong bayan.

Maliligo lang po ako saglit!” pag-agaw ko sa atensiyon nila at parehas lang naman nila akong tinanguan.

Naligo na nga ako at nagbihis lang ng komportableng maluwag na bestida.

Nang bumalik ako sa harapan ng bahay kung nasaan ang buong handaan ay nandoon na silang tatlo na masayang nag-uusap habang sumisimsim sa sarili nilang mga tasa.

“Oh Lia, halika dito at saluhan mo kami” pagtawag ni nanay sa akin nang mapansin niya ako.

Nakangiti naman akong lumapit at umupo sa gitna ni lola at nanay. Pabilog ang lamesa at may apat na upuan bawat lamesa.

They didn't know or have any idea what's been happening between me and Jandro. Hindi nga nila alam na siya ang dahilan ng pagdurugo ko noong nakaraan.

“Oh ano nga, Jandro iho? Ano ngang buhay ang gusto mo para sa inyo ni Amelia? Hindi ako tumatanggap ng walang plano sa buhay sa pamilya namin, para malaman mo” aniya ni lola that made me look at Jandro na siyang nasa harapan ko.

He looked back at me but this time, none of us withdrew from looking at each other. I raised both of my brows, waiting for him to answer it.

I miss those eyes...but I should not.

Ngunit imbis na sagutin ang tanong ni lola Connie ay iba ang sinabi niya.

“Do you want some milk?” nakangiting tanong niya sa akin na siyang hindi ko inaasahan. Hindi kami maayos sa isa‘t isa tapos tatanungin ako bigla kung gusto ko ba ng gatas...patawa.

I saw in my peripheral vision that nanay and lola looked at each other with a glistened happiness in their eyes but no, not me.

“Kung gusto ko, sana kumuha na ako” diretsahang sagot ko na halatang hindi niya inaasahan. His eyes widened in fraction but he still managed to look like it didn't bother him at all.

Sinaway pa ako ni lola pero hindi na ako nagsalita ulit.

Naku, pasensyahan mo na si Amelia, iho. Sagutin mo nalang si mama dahil kahit ako gustong marinig ang sagot mo” buong galak na aniya ni nanay na nagpabalik sa masayang ambiance sa paligid.

Hotel De AmoreWhere stories live. Discover now