Chapter 4

26 6 0
                                        

Kabanata 4

“Ang ganda ng ngiti natin ngayon ah?” nakangiting bati ni Raine pagkapasok niya.

Nginitian ko lang siya at hindi na nag-abalang sagutin pa dahil magbibihis pa siya para makapagtrabaho na.

“Huy! Anong meron? Bakit ang ganda nga ng ngiti mo habang noong nagdaang mga araw ay minsan ngiwi ang nagagawa mo” ani nito habang nakatukod sa counter ang siko at nakatingin sa akin.

“Wala naman, pinagluto lang ako ni nanay ng paborito kong ulam at dadaanan niya raw ako dito pagkatapos pagkatapos niyang magtinda sa palengke tapos sabay rin kaming manananghalian nakangiting sagot ko.

“Ahh kaya pala, iba talaga mag-alaga ang isang ina ano? At kakaiba rin ang impact nun. Sayang nga at nasa probinsya ang akin” nakangiti ngunit ramdam mo ang lungkot sa boses ni Raine kaya nakangiti ko naman siyang binalingan nang may ideang pumasok sa utak ko.

“You can join us if you want” nakangiting alok ko na nagpaning-ning ng mata niya at nakangiti naman siyang tumango.

“Ikaw nagsabi niyan ah” ani niya pa at natatawa naman akong tumango.

“Oh girls, balik na sa trabaho. Sasabay rin ako Amelia kung ayos lang” pagsali Ms. Venise sa usapan na nagpatawa sa aming tatlo at saka naman ako tumango.

“Ako rin pasali ha, gusto kong makilala ang future mother-in-law ko” pagsabat na rin ni Roland, isa ko pang katrabaho na nagpatawa sa amin lalong lalo na si Raine at Ms. Venise na tumitili pa kaya nagpilit na lamang ako ng ngiti.

Siraulo tanging nasabi ko.

We immediately went to our respective work when Sir Jandro entered the Hotel. Syempre lahat ay nagbow sa kanya, including us.

Hindi ko rin alam kung guni-guni ko lang iyon o ano but it seems like he looks at our way or my way?

Pwede ring assumera lang ako pero pwede ring hindi.

“Ms. Gallego”

Napataas ang tingin ko sa pinanggalingan ng boses na iyon at napatindig ng maayos when mr. Kaaway A.K.A sir Jandro looked so dead serious.

Anong problema ng isang 'to? Umagang-umaga bad mood agad.

I looked at him totally smiling from ear to ear but he just raised his brow at me. Ay taray ni angkol!

“Chitchatting is strictly prohibited by the Hotel's rule so stop laughing and talking while you are at work” he uttered seriously at hindi nakawala sa paningin ko ang munting pagbaling niya sa gilid ko.

Kay Roland.

All of us nodded in unison.

He was about to leave pero pagkatapos ng isang hakbang ay tumingin ulit siya sa pwesto ko.

“And also strictly no eating outside the Hotel for lunch, that's the additional rule” he uttered as he smirked devilishly and walked out.

Hindi ko napigilan ang pagkunot ng noo ko? No what??!

Grabe si sir, wala naman sa rule ng hotel ang hindi pagkain sa labas reklamo pa ni Raine.

Kakagawa ngalang diba? Iyon ang sabi” sambit naman ni ms. Venice na ngayon ay nagtatrabaho na.

Hotel De AmoreWhere stories live. Discover now