Chapter 3

28 7 0
                                        

Kabanata 3

Habang naglilinis sa mga nagamit na gym equipment ay hindi ko maiwasang mapangiwi dahil sa mga natitirang basa mula sa mga pawis ng mga pumaparito.

“Hindi ba alam ng mga tao dito ang salitang clean as you go? Hanep naman ng mga amoy na'to” pagsasalita ko sa sarili.

“Uhh nakita niyo ba si Amelia? Iyong bagong saltang tagalinis?” kaagad na nangunot ang noo ko nang marinig ang pangalan ko sa kung saan.

I did a little bit of side view and I saw a familiar face, iyong isa kong katrabaho.

Tumingin siya sa pwesto ko at nagtagpo ang mata namin kaya nagpasalamat na lamang siya sa tinatanungan at nagmamadaling lumapit sa akin.

“Hi, I am Ivory, your co-worker. Pinapahanap ka ni miss Lorry sa akin because sir Jandro is looking for you” she uttered, smiling.

Sir Jandro?? Siya nanaman? Hindi ba siya naaawa sa akin? Kahapon pa yan siya sa pagpapahirap sa akin ha! Malagutan sana siya ng hininga!

I looked at the equipment I am cleaning at tiningnan siya ulit.

“Don't worry about that, may in-assign ng iba si miss Lorry para maglinis dito” she muttered and grabbed me by my arm.

Halika na, iiwan mo na yan” she happily uttered.

“Ang saya mo yata” I asked as we started walking.

“Hmm? Hindi naman sadyang ganito lang talaga ako” nakangiting sambit nito. “Alam mo sobrang napahanga mo kami sa ginawa mo kahapon dahil ikaw lang ang nakagawa non” manghang sambit niya.

Nakagawa ng alin?” I asked, confused.

Iyong nagawa mong patahimikin si miss Lorry” sagot niya.

“Wala naman akong ginawa, sinabi ko lang ang nais kong sabihin” pagpapaliwanag ko sa kanya na ikinangisi niya pa lalo.

“Iyon nga! Ang tapang mo kasi kung kami ang nasa pwesto mo, aakuin namin ang kasalanan dahil alam naming papahirapan kami ni miss Lorry kapag nasermonan siya dahil sa amin kaya nga nababahala rin ako para sa'yo” She explained. Naka mix emotion yata ang Isang 'to dahil kanina lang ang saya ngayon naman ay nababahala.

Naku, huwag mong alalahanin yan” sambit ko nalang at saka na kami nagpatuloy.

Sumakay kami sa elevator at pinindot ni Ivory ang 24th floor.

“That's his office?” I asked and she nodded. As if ba hindi ako napadpad dito kahapon.

“Uh-huh, the floor is divided into two dahil hinati ito for sir Jandro and sir Sandro” She explained na nagpatango naman sa akin. I didn't notice it yesterday.

“Why does it need to be divided?” I asked curiously.

“Don't you know the Hotel's history?” she asked and I shook my head dahil wala naman talaga akong alam sa history ng hotel.

“This hotel has been living for 199 years and its main location is in Europe, sa Paris yata yon e. Decades ago, naipatayo ito sa Pinas which is here. The Philippines is the Hotel's first base in Asia” She explained as we are still on the elevator.

Hotel De AmoreWhere stories live. Discover now