Chapter 11

15 4 0
                                        

Kabanata 11

I didn't know how I managed to go on with my day after Railyn told me that story of their family's crisis with the Montereals.

I took a week of leave at napasyahang tulungan na lamang si nanay sa pagtitinda sa palengke para libangin ang sarili and to also bring myself back together.

“Babalik kana sa trabaho bukas?” naagaw ng attensiyon ko si nanay habang inaasikaso ko ang isang customer.

“Magt-take ulit ako ng 1 week leave” pang-aasar ko kay nanay kaya kaagad akong nakatanggap ng masamang tingin.

Hinampas niya naman ako sa paspas na dala niya saka inasikaso ulit ang bumili na tumatawa sa amin.

“Hindi ka mabubuhay nyang parati mong tinataguan at tinatakbuhan ang lalake, Lia” panenermon pa nito.

“Si nanay ba, hindi naman ito dahil sa kanya!” pagtutol ko pero inirapan lang ako ng nanay ko.

“Oh eto ate oh” Ani ko at inabot sa ale ang plastic na nakangiti akong binalingan.

Binigay niya naman sa akin ang bayad niya, “Ang aliw niyong pagmasdan mag-ina” puna nito at napangiti naman ako.

Inabot ko sa kanya ang sukli niya, “Salamat po” ani ko.

“Salamat rin iha at ale” aniya rin na parehas naming ngiting tinanguan ni nanay.

“Oh pagmasdan mo yang kakarating lang at alagaan mo Amelia, walang alam yan sa buhay dito” biglang siko ni nanay sa akin at ngumuso sa aking gilid at doon nahagip ng mata ko ang tumatawa at nakikipag-usap na lalake habang naglalakad papunta sa pwesto namin.

Wow ha? Mukhang sanay na sanay.

He's wearing his usual long sleeve polo na tinutupi niya hanggang siko niya habang naglalakad at normal na black slacks. His hair is kinda messy too, ewan ko ba kung nagsuklay ba siya o wala. Is he from work?

“Hindi naman na siguro need yun nay, he immediately gets along with everyone. He seems used to it” ani ko at nagpatuloy sa ginagawa.

“Ang pogi talaga ng boss mo, 'nak” ani ng nanay ko na may kasamang tili kaya napangiwi ako at bahagyang hinampas ng panghampas si nanay.

“Naku nay ha, ang tanda mo na! Bakit ba nandito yan?” I asked as I looked at his way pero nakatigil pa siya sa tindahan ni aling berna na parang ine-endorso yata ang anak niya na walang tigil sa pagsuklay ng buhok at pagngiti sa lalake.

Napailing na lamang ako at iniwas ang tingin sa kanila.

“Nagpaalam siya sa akin kahapon na tutulong siya rito ngayon. Hinayaan ko naman dahil baka ito ang first stage niya sa panliligaw sayo at mag— Lia, mahal ang kilo nyan ngayon!” napatigil ang nanay sa pagsasalita nang mabitawan ko ang dalang gulay dala ng pagkagulat.

Bahagya siyang yumuko para kunin ang mga nahulog na gulay at saka ko lang siya hinarap.

“Anong panliligaw, 'nay?!” gulat kong tanong kay nanay habang inaayos niya ulit ang pagkakalagay ng gulay.

“Noong nakaraang linggo, noong inuwi ka niya at parang wala ka sa sarili mo ay nagpaalam siya sa aking liligawan ka niya” kaswal na ani ni nanay na nagpanganga at nagpangiwi sa akin.

“At pumayag ka naman?” tanong ko pa kahit halata naman na, proud namang tumango ang nanay ko kaya napahilod na lamang ako sa sintido ko.

Magkasabwat talaga silang dalawa e! Isang linggo na ako dito sa palengke tapos ngayon ko pa talaga nalamang nililigawan na pala ako ng kaaway kong yon. Well at least that's what he thought, not what I thought.

Hotel De AmoreWhere stories live. Discover now