Chapter 8

15 5 0
                                        

Kabanata 8

“Salamat sa paghatid sir Jandro, nag-abala pa talaga kayo” buong ngiting pasalamat ng nanay ko nang makababa kaming tatlo mula sa sasakyan ni mr. Kaaway.

Jandro nalang po 'nay and ayos lang po. May pupuntahan rin naman po ako so ayos lang po talaga 'nay” Ang conyo ng lalakeng 'to! Arte!

Pero in fairness, ngayon ko lang siya narinig magsalita ng kehaba-haba. I mean, naglilitanya naman siya pero puno naman ng sermon. Hindi katulad ng paraan ng pakikipag-usap niya kay nanay.

Lumapit ako kay nanay at pinatakan ng halik ang pisnge niya.

“Kumain ka ng hapunan 'nay ha? Hindi muna kita masasabayan ngayon dahil may asungot kasing nakikisingit sa schedule ko. Mag-ingat ka 'nay ah? I love you” paglalambing ko sa ina na ikinalapad naman ng ngiti niya bago pinugpog ng halik ang buong mukha ko na nagpatawa sa akin.

Lumapit rin siya kay Jandro at niyakap ang lalake na siyang nagpatigil sa kanya. He looked at me but I just smiled at him. Alam ko na agad na boto sa kanya si nanay.

Oh wait, Why am I thinking that way? Wala namang mayroon sa amin ng lalake. Naku nahahawa na yata ako sa kadeluluhan ng mga tao sa paligid ko. Delikado 'to baka madisgrasya pa.

We bid our final goodbye to nanay bago kami tuluyang umalis. Tanaw ko pa siyang nakatingin sa sasakyan ni sir paalis bago siya pumasok sa palengke.

“Your mother...”

Napabaling ang tingin ko sa katabi. Since it's only the two of us, sa passenger seat na ako umupo.

“Hmm?” I hummed, urging him to continue.

“She's the total opposite of you” he uttered, smirking.

I didn't talk, iniinis nanaman niya ang hapon ko. Inuumpisahan ako ng lalakeng 'to. Pasalamat siya boss ko siya.

“She's so sweet compared to you, she's so bubbly and jolly, she's so soft spoken, and she's so caring” He uttered that made me raise my brow.

Not until a very dumbass conclusion builds up in my mind.

“G-gusto mo si nana—AHHHHH” mahabang tili ko pagkatapos niyang tinapakan ng napakatindi ang preno ng sasakyan.

“Gago 'to! Papatayin mo ba ako ha?!” Ani ko pa at huminga ng malalim dahil sa pagkagulat.

Mabuti nalang talaga at pinaseatbelt niya ako kanina dahil kung hindi ay baka sira na ang nguso ko ngayon. Diretso subsob kasi ako sa harapan 'pag nagkataong hindi ko naisuot ang seatbelt.

Kawawa ang kissable lips ko.

“Damn, miss Gallego! Don't say such impossible things. Pinapataas mo ang dugo ko” reklamo nito and gaze at me in disbelief.

“Hoy hindi kaya imposible 'yon! Oo, matanda na si nanay pero maganda pa rin naman tapos sa paraan ng paglalarawan mo sa kanya parang gusto mo si nanay e” pang-aasar ko pa na mas lalong ikinakunot ng noo niya.

I secretly smirked, anong akala niya? Siya lang ang marunong mambwesit? Duh! D ako papatalo 'no!

“I just admire nanay for her strength in handling you, you know, you are such a pain in the ass”

Kaagad na romolyo ang mata ko sa sinabi niya. Kahit talaga anong bwesit ko sa kanya mas bwesit talaga siya.

“Crush mo lang si nanay e” pamimilit ko pa.

Nagets ko naman na ang point niya, gagawin ko nalang pang-asar sa kanya 'to.

He hissed as he started the engine once again.

Hotel De AmoreWhere stories live. Discover now