Kabanata 26
“Hindi pa rin nagbago dito ’nay ano?” aniya ko habang nakatanaw sa labas ng sinasakyan naming tricycle.
Malayo kasi sa syudad ng probinsya ang bayan nina lola kaya kailangan pa naming bumyahe ng ilang oras pagkababa namin kanina sa terminal.
Despite being discharged late, we managed to catch up with the last bus na babyahe papunta dito sa probinsya ni lola.
“Maganda pa rin ano? Mabuti kasi ang pamamahala ng kapitan dito sa lugar ng lola mo” sagot naman ni nanay.
I keep looking outside where I can see the hills that look so alive, every branch of trees that was so full of life, ang malaking lupain ng ng rice field where few farmers were taking care of it.
Ang ganda lang isipin na may ganitong lugar pa palang natira kahit na puno ng mga nakakasirang gusali at polusyon sa lungsod ng Maynila.
Nakangiti lang ako sa buong byahe dahil sa ganda ng mga tanawin na nadadaanan namin.
Naputol lamang ang pagmuni-muni ko nang tumigil ang sinasakyan naming tricycle.
“Baba na ’nak, nandito na tayo” aniya ni nanay sa gilid ko na kaagad ko namang ginawa.
It's been two decades and some months—as far as I remember—since our last visit here kaya hindi ko na rin talaga matandaan ang pinaglalagyan ng bahay ni lola.
I looked at lola’s house in front of where I am standing and smiled when the house still looked the same old-fashioned one. The same ambiance, the same peace, the same comfort, the same smell of sampaguita, the same...everything.
“Hali kana ’nak, pumasok na tayo” pag-aya ni nanay habang dala ang bag naming dalawa.
I pouted as I reached for my bag dahil alam kong may kabigatan na nga iyong dala niya pero dinala niya pa ang akin na mas mabigat.
“Akin na ’nay, kaya ko po” aniya ko at pilit na kinuha ang bag ko sa kanya pero umiling lang siya at inunahan ako sa paglakad.
I pouted as I followed her. Ang tigas e! Ano siya sa akala niya, kasing lakas ng kalabao?
“Ma! Tao po!” pagtawag ni nanay nang makaakyat kami sa tatlong ang-ang sa harapan ng bahay ni lola.
We need to knock more dahil parang hindi kami narinig ng lola. Ngunit bago pa man makakatok ulit si nanay ay may iritang boses na kaagad ang pumigil sa kaniya mula sa loob.
“Subukan mong kumatok ulit Mirren at hindi ako magdadalawang isip na sipain ka!” sigaw nito mula sa loob na mahinang nagpatawa sa akin at nagpanguso naman kay nanay.
Nang bumukas ang malaking pintuan ng makalumang bahay ni lola ay hindi na nag-atubili si nanay at parehas na kinarga ang gamit namin papasok.
“Aba’y, Mirren! Hindi mo talaga ugali ang bumati ano?!” galit na aniya ni lola sa kaniya dala sa gulat. Ikaw ba naman ang mapagilid ng wala sa oras dahil sa dalos-dalos na galaw ni nanay.
“Pasensyahan niyo na po ang nanay, la. Mano po” magalang kong aniya at nagmano kahit na puno ng pagtataka ang tingin niya sa akin.
She probably didn't remember me anymore.
“Mirren! Manugang mo ba ’to? Kay gandang bata ah” pagtawag niya kay nanay na lumapit naman sa amin habang nakakunot ang noo.
I smiled after hearing what lola said, maganda daw ako. Ayos na ang hindi kilala basta maganda.
“Mana lang sa akin ‘yan at anong manugang e apo mo ‘yan!” irita sagot ni nanay at hinawakan ang kamay ko papasok sa loob.
YOU ARE READING
Hotel De Amore
Roman d'amourHotel De Amore is made for the ones who shared care, love, and adoration towards each other but above all, its upmost goal is to let people live their best life while staying in the hotel. In this hotel, they'll feel loved, will attain self-satisfac...
