"Sasakay ka neng?" tanong ni manong driver na nag-aabang ng pasahero sa hilera ng mga motor.
"Wala na po akong pera nong, naghahanap nga po ako ng trabaho e" sagot ko kay manong na ikinatango lang nito kaya nagpatuloy na ako.
"Ang init! Bigyan niyo na po ako ng trabaho oh" paghingi ko ng pabor sa mahabaging panginoon. Kanina pa ako palakad-lakad dito pero puro declined iyong mga application form ko. Napapagod na ako.
Pero okay lang! May bukas pa naman. Siguro bukas makakahanap na ako.
I plastered a smile on my face and wipe the sweat in my forehead bago nagpatuloy sa paglalakad.
Habang naglalakad ay naramdaman kong kumalam ang sikmura ko dahilan para mapanguso ako. I have decided to eat in some karenderya kung may malalabayan ako and gladly mayroon nga.
I went inside the karenderya and immediately went to its counter to order.
"Isang adobo po manang at kanin. Padagdag na rin po ng tubig. Salamat po!" ani ko at nginitian lamang ako ni nanay na nagaasikaso sa may counter.
"Iyon lang ba nene?" tanong nito at tumango naman ako. When nanay started to ready my order, I also look for a table to dine in.
Hindi naman nagtagal ay dumating rin ang pagkain ko na ikinapasalamat ko kay ateng naghatid.
Dala ng gutom ay mabilis na naubos ang pagkain ko. Nagpahinga pa ako saglit bago tumungo sa counter para magbayad. Then suddenly, pumasok sa utak kong naghahanap pala ako ng trabaho.
Susubukan kong magtanong at baka naghahanap sila ng trabahante. Ayos na sa akin kahit dito nalang.
"Bayad ko po nay oh" sambit ko ng makalapit sa counter. Pagkabigay ng sukli ay doon lang ako nagtanong.
"Nay, may bakante po kayong ano? O naghahanap po ba kayo ng trabahador?" tanong ko but nanay shook her head, "naku neng wala pang bakante e, kung gusto mo, pwede kitang tawagan pag mayroon na" nanay answered and my face lightened up.
"Talaga po? Ito po ang number ko" I uttered and gave her my number. Bago ako umalis ay nagpasalamat muna ako.
I heaved a sigh and grip on the strap of my bag. At least may hihintayin nanaman ako but I shouldn't be contented with it kaya maghahanap ulit ako bukas.
As I walked on my way home dahil hindi na kasya ang pera ko pampamasahe ay biglang humangin ng malakas at may mga papel na lumipad sa ere na ikinataka ko but when I saw a woman trying to catch each papers ay napagtanto kong galing iyon sa kanya.
I pick up those papers na nasa banda ko to help her dahil medyo marami-rami rin kasi ang nilipad ng hangin.
I was busy picking up the papers when suddenly, nakarinig ako ng malakas na pagbusina ng isang sasakyan.
Put a tang in a juice!
Patayo na sana ako ng bigla na lang itong nagbusina ng paulit-ulit. I close my eyes deeply as I stood up firmly at lumapit sa sasakyan at saka kinatok ang bintana nito.
"What's your problem miss?" The guy who's driving it asked looking so unbothered as if he didn't make a sound with his damn horn!
"Whet's yer preblem miss? Mukha mo what's your problem!" I uttered, pissed. "Really woman? I am sorry but I don't have time for this" akmang isasara na niya sana ang bintana ng sasakyan niya ngunit kaagad kong hinarang ang kamay ko dahilan para itigil niya ang balak.
He looked annoyed now.
"Will you stop playing around miss? I need to go now for goodness sake! I have to run some serious errands and there are still some cars behind me" He uttered totally pissed and annoyed.
"Kung nagmamadali ka pala edi sana hindi ka bumusina ng napakalakas. Mawawalan ako ng pandinig dahil sa'yo e" mataray kong tugon.
Dinig na dinig ang busina at reklamo ng mga sasakyan na nasa likod ng sasakyan ng lalake pero hindi ako titigil kapag Hindi siya magsorry.
"Oh come on! May appointment pa ako miss" he muttered so pissed pero inangatan ko lang siya mg kilay, "Okay fine, what do you need?" he asked at napabuntong hininga naman ako at saka umayos ng tayo.
"Sorry. Sorry lang ang kailangan ko" I firmly muttered na ikinasinghap niya. "Ano?! You made such mess to receive a what?! Sorry?!" Galit niyang tugon kaya mataray ko muli siyang tiningnan.
"Ginoo, Kung ang sorry ay hindi importante sa inyong mayayaman pwes sa aming mababa sa inyo ay importante iyon!" paliwanag ko pa at napabuntong hininga naman siya at masama akong tiningnan.
"Fine! I'm sorry!" ani niya at isasara na sana ang bintana ng sasakyan pero kaagad ko itong hinarang.
"Mags-sorry ka na nga, Galit kapa? Ganyan ba talaga kayo ka walang Galang?" tugon ko at inip naman siyang napahampas sa manubela ng sasakyan niya bago pinakalma ang sarili at saka tumingin sa akin.
"Okay... I'm sorry for what I made miss. May I go now?" he muttered calmly na nagpangiti sa akin.
Marunong naman pala siyang magsorry e HAHAHA
"Ayon naman pala e, sige maari kanang makaalis" Nakangiting tugon ko at nginitian siya but he is so weird dahil nakatitig pa rin siya sa akin. Nakakunot ang noo habang nagpipigil na ngumiti naman ang labi niya.
Anong nangyayari sa lalaking 'to?
I snap my finger in front of him at napakurap naman siya. "Oh sorry, thank you. I'll go ahead" nagmamadaling tugon niya at pinaharurot ang sasakyan niya paaalis.
Napakunot na lamang ang noo ko at saka napa-iling bago bumalik kay manang na may dala ng papel.
"Ito po oh" nakangiting ani ko at inabot sa matanda ang mga papel pero nagtaka ako nang ibinigay niya sa akin ang isa.
"Ano po ito?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Salamat sa tulong mo ineng at saka offer na trabaho iyan sa isang hotel. Nariyan na rin ang impormasyon na kailangang malaman kaya basahin mo nalang. Mauuna na ako ineng, mag-ingat ka" mahabang tugon nito at ngumiti bago ako tinalikuran.
Hindi ko na siya nagawang pigilan dahil kaagad siyang nahalo sa mga taong naglalakad. Napanguso na lamang ako at saka binalingan ang papel na hawak ko.
It is indeed a job offer.
"Hotel De Amore" pagbasa ko sa napakalaking titik sa papel.
Hotel De Amore... Ano kayang ibig sabihin noon?
Mabasa na ngalang pag-uwi ko.

YOU ARE READING
Hotel De Amore
RomanceHotel De Amore is made for the ones who shared care, love, and adoration towards each other but above all, its upmost goal is to let people live their best life while staying in the hotel. In this hotel, they'll feel loved, will attain self-satisfac...