Kabanata 2
“Good morning ma'am” nakangiting salubong ng receptionist sa akin pagkalapit ko.
It is my first day in this hotel and I guess it is a good start.
“Ngumiti ka lang palagi anak, at gamitin ang utak at puso sa bawat kilos na gagawin mo”
Napangiti na lamang ako nang maalala ko ang paalala ni nanay.
“Pinagbilin po ni sir pa papuntahin ka po sa cleaning department na nasa huling pinto po sa left side” dagdag nito at nagpasalamat naman ako saka ako umalis.
Sinunod ko ang sabi niya at nang marating ko ang pinto ay hindi ako nagdalawang isip na kumatok.
Naghintay pa ako ng ilang minuto bago bumukas ang pintuan at ang babaeng may— teka, hindi sa panghuhusga ha pero mukha siyang clown, ang kapal ng make up niya. Walang biro.
“Ikaw ba ang bagong hinire? Late kana! Eto linisin mo ang kwarto sa 20th floor right side Room A 1025. Bilisan mo! Huwag bagal-bagal ang kilos!” Pasigaw na utos nito at pinatid sa harapan ko ang isang balde na may tubig at mop.
Marahas niya ring itinapon sa akin ang pampunas at iba pang cleaning material. Ganoon ba siya katamad ibigay ang mga gamit?
Buong ngiti ko pa ring kinuha ang gamit at umalis na. I am not in the position to yell at her, mukha pa naman siyang clown. Ayaw kong makaharap siya, scary. Napasobra kasi sa make-up ang make-up niya, hindi ko ugali ang manghusga. Nagsasabi lang ako ng totoo.
Tumungo akong elevator papunta sa floor na sinabi niya. The building has 25 floors, hindi ko nga alam kung bakit hindi na lang nila ginawang 20 at pinasobrahan pa talaga ng sinco.
Akmang magsisirado na sana ang pintuan ng elevator nang bigla nalang may kamay na humarang roon.
“Pasok sir” sambit ng may-ari nung humarang na kamay at pinapasok ang isang lalakeng— ay si mister kaaway pala.
Our eyes met before I lowered my gaze and moved the cleaning cart a bit para bigyan sila ng espasyo. They are four kasi. Body guard niya ata.
“What floor are you going on?” he suddenly asked while his secretary was stating their schedule.
“Ahh sir sasama po ak—” the guy, his secretary didn't get the chance to continue when he cut him off.
“Not you. Amelia?” gulat ako nang marinig ang pangalan ko. Nakayuko lang ako e, ako pala ang tinatanong.
“Sa floor 20, sir” I muttered as I looked up to them just to see that his three other men were looking at me with a confusing look.
He hummed as he nodded. The bell rang at bumukas na ang pintuan.
“Ito na ang floor mo Amelia” sambit ng secretary niya.
“Call her with a little bit of respect Zack” Jandro, A.K.A mister kaaway muttered kaya bahagya namang napalunok ang secretarya niya at nakangiting bumaling sa akin.
“Pasensya na po, ma'am, nandito na po kayo sa floor niyo. Gusto niyo po ba ng tulong?” buong paggalang saad nito pero kaagad akong umiling.
YOU ARE READING
Hotel De Amore
RomansaHotel De Amore is made for the ones who shared care, love, and adoration towards each other but above all, its upmost goal is to let people live their best life while staying in the hotel. In this hotel, they'll feel loved, will attain self-satisfac...
