Kabanata 5
“Nasaan siya?” I nervously approach the reception area where they're waiting for me.
Maingat ang bawat galaw ko para makawala ako sa lalakeng 'yon. Nakakabwisit kasi, bakit ba ako kinakabahan e ang tapang-tapang kong lumabag sa rules niya.
“May meeting pa yata pero may iniwan siya” ani ni Raine habang inaayos ang gamit sa harapan.
Wala pa kasing masyadong tao kaya nakakagalaw pa sila sa gusto nilang gawin.
“Anong iniwan niya?” nagtatakang tanong ko at umayos na ng tayo dahil wala nanaman na siya.
Ngumuso si Raine sa likod ko kaya kumunot ang noo ko, sinong nginunguso ng babaeng 'to?
“Ang assistant ng delubyo” paggatong naman ni Roland at inalayan ako paharap sa likuran and there I saw sir Zack, his secretary.
“Opps, sir Lopez. Layo-layo kung ayaw mong pumanaw ng maaga” banggit ni sir Zack nang tuluyag makalapit.
“At bakit naman ako papanaw ng maaga?” nagtatakang tanong ni Roland na ikinataka rin namin.
“Ang aggressive at seloso pala ng jowa mo Roland e” panunudyo naman ni Raine na nagpadikit sa kilay ng huli.
“Shut up Raine, you're so delusional” inip na ani ni Roland na nagpatawa naman sa babae.
“Bakit? Totoo naman ah kahit tanungin mo pa si Ms. Venice, ikaw talaga ang unang hinanap ng mata ni sir noong pumunta siya dito kanina... Diba ma'am?” may bahid pa ring pang-aasar na ani ni Raine na nagpa-irap naman sa lalake.
“Ayy oo nga...Wala ba talagang namamagitan sa inyo ni sir Jandro, Roland?” may panunudyo ring gatong ni ms. Venice sa pang-aasar ni Raine kay Roland.
“Ma'am naman... Sinasabayan niyo nanaman yang demonyita sa gilid niyo e wala naman talaga! Tsaka sa paraan ng pagtingin ni sir ay parang pinapatay niya na ako sa isipan niya e. Ganoon ba ang tingin ng pumapag-ibig?!” pikon na pikon na gatong ni Roland na nagpahalakhak naman sa dalawa na nagpatawa na rin sa akin.
“Chill man, defensive ka masyado e pero parang mas gusto mo ang look of love kaysa sa death glare ah” patuloy na pang-aasar ni Raine.
Hindi naman na napigilan ng lalake sa tabi ko ang pasensya niya at kaagad na sinugod si Raine na ngayon ay nagtatakbo na sa loob at nagtago pa nga sa likod ni ms. Venice.
Napailing na lamang ako sa kakulitan nila, ewan ko ba pero mas may chemistry silang dalawa.
“Tigilan niyo na nga yan, baka kayo ang magkatuluyan” pang-aasar ni Ms. Venice na parehas na nagpangiwi sa dalawa.
Parehas pala kami ng iniisip ni ms. Venice e. Gagawa kami soon ng club for Rainald, combination of Raine and Roland... Nice!
Napatawa na lamang ako at hindi na sila pinansin. Ibinaling ko ang tingin kay sir Zack na ngayon ay ang lawak ng ngiti habang nakatingin sa bandang likod ko.
Sinundan ko ang tingin niya at kaagad na napanganga nang kay ms. Venice nakatingin ang huli.
Huli pero 'di kulong.
YOU ARE READING
Hotel De Amore
عاطفيةHotel De Amore is made for the ones who shared care, love, and adoration towards each other but above all, its upmost goal is to let people live their best life while staying in the hotel. In this hotel, they'll feel loved, will attain self-satisfac...
