Kabanata 7
“Bakit kaba kasi nandito ’nay?” I asked curiously nang makaupo na rin si Jandro sa upuan niya.
“Would you like to eat something ma'am?” Tanong rin ni sir Jandro na siyang ikinakulo ng dugo ko. Kitang nagtatanong ako sa nanay ko, umeepal siya!
Wala ba siyang sariling nanay?!
“Naku ijo, huwag kanang mag-abala. Ayos lang ako” sagot ni nanay sa kanya. Duda ako, parang ako ang ampon dito.
Ako una nagtanong pero siya ang unang sinagot. Ako yata ang nakikifamily dito e.
“No po ma'am, it's not a big deal for me at all. Magsabi lang po kayo” he talked to my mother with full gentleness and that somehow gave me warmth.
Ngayon lang kami nakaharap ng isang kilalang tao ni nanay dahil wala naman kaming ibang pinupuntahan kundi sa palengke lang.
“Sige ijo, pandesal na lang at kape at saka nanay nalang ang itawag mo sa akin huwag nang ma'am” nanay uttered while smiling at him.
Tatangi pa 'tong nanay ko, gusto rin naman palang kumain.
“Okay po 'nay, I'll get it for you po. Excuse me” he uttered respectfully at saka siya tumayo at bahagyang yumuko saka lumabas sa opisina niya.
And it's my time to fire some questions for my mother.
“Nay” pag-agaw ko sa atensiyon niya habang nakalinga siya sa paligid.
She turned to me with her usual comforting and soft smile.
“Bakit ka po nandito? Saan po kayo nagkita ni Jandro? Ano pong sinabi ng lalake sa inyo? Bakit niyo po siya kilala o bakit ka po niya kilala?” Sunod-sunod kong tanong na nagpangiwi kay nanay.
“Hinay-hinay sa tanong Lia, nag-iisa lang ang nanay” natatawang ani nito at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa hita ko.
“Anak, dinala ako ng boss mo dito. Naabutan niya ako sa labas ng building niyo dahil balak ko sanang sorpresahin ka ng dalaw at ayon nga at nakita ako ni sir Jandro.” she paused for a bit.
Itong boss kong 'to nagdadala lang talaga ng mga tao mula sa labas e, paano kapag hindi ko pala nanay ang nasa labas dahil magnanakaw pala tapos pinapasok niya? Patay kami nyan.
“Sinabi niya sa aking kilala niya ako dahil nakita na niya raw akong kasama ka habang kumakain, noong una hindi ako naniwala lalo na noong sinabi niyang boss mo siya dahil ang simple lang naman niyang tignan lalo na't naka polo lang at slacks ang lalake pero anak ang gwapo niya pa rin kahit ganoon, bagay kay—” I cut my mother off dahil sa gulat at hiyang naramdaman ko.
Ako ang nahihiya para sa kanya.
“’nay naman! Baka marinig ka ng lalakeng 'yon maga-assume pa 'yon” ani ko pa na parehong nagpatawa sa aming dalawa.
“At ayon nga pinakita niya sa akin ang office I.D niya at ibinigay sa akin para magtiwala daw ako at incase daw kaya tinanggap ko naman” pagpapatuloy at pagtapos ni nanay sa maikling kwento niya sa pagkikita nila ni sir Jandro.
YOU ARE READING
Hotel De Amore
RomansaHotel De Amore is made for the ones who shared care, love, and adoration towards each other but above all, its upmost goal is to let people live their best life while staying in the hotel. In this hotel, they'll feel loved, will attain self-satisfac...
