Chapter 29

6 2 0
                                        

Kabanata 29

“Mamayang hapon pa ang handaan kaya kung tutulungan mo akong magluto anak, maihahain natin ang lahat ng putahe sa mesa mamaya kaya sige na Lia, anak please” pagmamakaawa ni nanay sa akin sa balcony kaya napanguso na lamang ako at tumayo.

“Oo na ’nay, hinihintay ko pa si Jandro e” nakangusong aniya ko na nagpangiti naman kay nanay, saka niya isinukbit ang braso niya sa braso ko.

“Sigurado naman akong hahanapin ka noon kahit nasaan ka pa kaya tulungan mo nalang akong magluto” pambobola pa ni niya na nagpatawa lang naman sa akin.

Parehas naming tinungo ang kusina at nagsimula nang magluto. Siya ang nagluto sa sinigang at ako naman sa adobo. Each dish is our own specialty.

Naku... parang ang sarap ng niluluto niyo ah? Amoy pa lang, kumakalam na ang sikmura ko” pag-agaw ni lola sa atensiyon namin ni nanay.

Kakapasok niya lang sa kusina dala ang dalawang basket na may iba‘t ibang uri ng gulay at prutas na pinitas niya pa sa likod.

“Syempre ma, tikman mo nga kung pasado ba. Baka kasi ang amoy lang ang pasado pero ang lasa, palya aniya naman ni nanay at natatawa namang lumapit si lola sa amin.

Kumuha siya ng kutsara at saka nagsandok ng sabaw sa sinigang na niluto ni nanay. Both nanay and I, were waiting for her reaction. Nang napaangat ang kilay niya‘t nakangiti siyang tumango ay alam naming pareho na pasado.

Patikim rin ng iyo, apo” baling naman ni lola sa direksiyon ko at kumuha ng sabaw ng niluto kong adobo.

I pressed my lips together as I waited for lola‘s reaction.

Both adobo and sinigang are one of her recipes kasi, hanggang sa tinuro niya kay nanay iyon at tinuro naman ni nanay sa akin.

The recipe was passed down generation by generation.

Her eyes widened as her mouth hung open in surprise, “Ang galing mong magluto, Amelia! Mas masarap pa yata ‘to kaysa sa lutong adobo namin ng nanay mo!” manghang usal nito at tinikman ulit ang adobo ko.

Nanay looked curious and later on joined lola in taste testing my adobo.

“Pwede ka nang mag-asawa, anak” nakangiting puna ni nanay na nagpanguso sa akin at nagpatawa naman sa kanilang dalawa ni lola.

“Ang saya po natin ah?” parehas na naagaw ang atensiyon naming tatlo ni Jandro na kakapasok lang sa kusina.

He's topless and sweating pero hindi siya nagmumukhang dugyot. He looked freaking hot! Saan ba ‘to galing?

Naku hijo, sakto’t nandito ka! Halika, tikman mo ‘tong niluto ng nobya mo. Mapapatanong ka talaga kung bakit hindi mo pa siya pinapakasalan nang-aasar na pagtawag ni nanay kay Jandro na nagpatawa kay lola pero ikinanguso ko lang.

Bwesit, nakakahiya...

Natatawa namang lumapit si Jandro sa amin habang pasimpleng nagpupunas sa pawis niya.

I can't avoid blinking twice while looking at him, making his way towards us. Shuta bes! Gumagalaw ang maskulado niyang katawan sa bawat kilos niya!

Nakakalawa—ang halay ko!

I shook my head to shove my dirty thoughts away. Gagong utak ’to kung ano-ano ang iniisip.

“May I taste it?” nakangiting baling niya sa akin na unti-unti namang nagpatango sa akin.

Hotel De AmoreWhere stories live. Discover now